AGAD na sinupalpal ni Heart Evangelista ang isang basher na nag-comment ng hindi maganda sa kanyang Instagram photo recently.
Nag-post si Heart ng tatlong photos sa kanyang IG account. Kuha ito sa Balesin at sa tatlong photos ay naka-white bikini ang aktres. Marami nga ang humanga sa kanyang figure na seksing-seksi pa rin. “She needed that vitamin sea,” caption ni Heart sa kanyang photos.
May isang nagmahadera ang nag-comment sa photos na iyon ni Heart.
“Ganda naman. Sana mag pa IVF ka na or surrogate para may pretty little Heart or adorable Little Chez,” say ng basher.
Hindi naman iyon pinalagpas ng aktres na sumagot ng, “Thank you but don’t make me manduhan please.”
Marami naman ang nagtanggol sa aktres.
“BASTOS JUD TALAGA MGA TAO GANYAN NA TALAGA UGALI NILA FOREVER. SANA DADALHIN NA KAYO NI SATANAS PARA MATAPOS NA ANG PAGKA MARITES NYO! GOD BLESS YOU HEART.”
“Sobrang mapanghusga ang tao, ako natakot na ako magkaanak kasi unang baby ko namatay during my pregnancy. Sabi ng doctor sa akin noon bibihira mabuhay baby ko dahil sa condition ng matris ko kaya SALUTE AKO SA MGA MAY ANAK NA. IBA DITO MASYADONG MAPANGHUSGA.”
“Leave her alone, you don’t know how she feels. Be considerate on how she feels. Grabe!”
* * *
Sa Phuket, Thailand nag-celebrate in advance ng kanyang birthday ang “It’s Showtime” host na si Kim Chiu.
Ito ang unang pagkakataon na nag-travel muli si Kim after two years.
Sa kanyang Instagram post, ikinuwento ng actress-host ang kanyang kuwelang encounter sa kanyang flight.
“First international flight after 2 years!!!! Medyo nangangain ng uwat yung feeling!” say ni Kim.
She even shared a short story from her experience.
“Entrance guard: (waiting for me to give something…)
“Me: Kuya ano pong hinihingi nyo? (Sabay labas lahat ng papeles na hinanda ko. So dami!!!!).
“Entrance guard: Maam ticket lang po.
“Me: Ay okay.
“Next…Guy from next entrance: Maam anong flight nyo po?
“Me: (Ipinakita ulit lahat ng papers ko).
“Kuya from entrance: Maam ituturo ko lang po kayo. Saan po kayo pupunta?
“Me: Ay!!! Saan nga ba? Nag lag……… K BYE!!!!”
While in Thailand, nag-post si Kim ng iba’t ibang photo na kuha roon.
“One of the biggest causes of stress is trying to force things to turn out the way you want them to. The truth is that in life, some things will go your way and unfortunately others won’t.
“Rather than trying to force the outcome you want, look at how you can work with things the way they actually are.”
‘Yan ang caption ng “It’s Showtime” host sa kanyang mga litrato.
https://bandera.inquirer.net/310112/ice-seguerra-naloka-sa-pagiging-active-ng-ina-sa-socmed-nag-comment-sa-post-tungkol-sa-ex
https://bandera.inquirer.net/281709/miss-ph-samantha-bernardo-lumafang-ng-bulate-sa-thailand-mga-kapwa-beauty-queen-na-shock
https://bandera.inquirer.net/279561/hugot-ni-claudine-tungkol-sa-taong-sinungaling-ipokrita-para-nga-kaya-kay-julia