Kris sa 7 buwang pagsasama nila ni Perry bilang mag-asawa: We just keep falling for each other over and over…

Perry Choi at Kris Bernal

PITONG buwan nang nagsasama bilang mag-asawa sina Kris Bernal at Perry Choi at aminado ang Kapuso actress na marami pa rin silang ginagawang adjustments as married couple.

Nag-share si Kris ng ilang kaganapan sa buhay nila ng asawang chef at negosyante sa social media makalipas ang seven months matapos silang magpakasal.

Sa kanyang Instagram page, makikita ang ilang litrato nila ni Perry na kuha sa pagbabakasyon nila sa Baguio.

Sabi ng aktres sa caption, “You taught me about love in all ways that made love easy to learn.

“Almost 7 months married. Full of changes and adjustments as we adapt to our new roles,” aniya pa.

Inamin din ni Kris na sa kabila mga challenges na kinakaharap nila, “This period of adjustment is crucial but it’s been absolutely amazing so far and we just keep falling for each other over and over.”

Samantala, sa isang panayam nabanggit ng Kapuso star na handa na rin siyang magbuntis sa unang anak nila ni Perry pero kakaririn daw muna nila ang pagha-honeymoon.

“Gusto muna naming mag-honeymoon talaga since hindi naman nangyari after the wedding.

“Magbabakasyon kami for a month in June. After that, susubukan na namin magkaroon ng baby,” pahayag ni Kris.


Kaya naman tuluy-tuloy na ang pagtatrabaho ngayon ni Kris para pagsapit ng Hunyo ay makapag-concentrate na siya sa kanyang family life at sa kanilang “project baby no. 1.”

Hindi agad nakapag-honeymoon sina Kris at Perry matapos ikasal noong Sept. 25, 2021 sa St. Alphonsus Mary de Liguori Parish sa Makati City.

Ilang beses ding na-delay ang kanilang wedding dahil sa COVID-19 pandemic.

Kuwento pa ni Kris, bukod sa mga proyekto niya sa GMA, hands-on din siya kasama si Perry sa pagpapatakbo at pagpapalago ng kanilang mga negosyo.

“May restaurant kami, bago, na parang international buffet. Kabubukas lang. Nag-o-offer kami ng unlimited grill. Parang Asian grill siya, ganoon ‘yung concept,” chika pa ng lead star ng Kapuso series na “Artikulo 247.”

Kris Bernal umiyak nang bongga nang ma-postpone ang kasal: Pero ang mahalaga tuloy pa rin

Payo ni Kris kay Aljur: Ask for God’s guidance kung saan ka dapat at ano ang para sa iyo…

Kris Bernal sinabihang super arte dahil ayaw ng simpleng kasal: Gusto ko kasi grand lahat!

Read more...