BILANG isang nanay, marami na ring pwedeng ibahaging life lessons ang Kapuso actress at TV host na si Marian Rivera sa mga kapwa niya ina pati na rin sa mga anak.
In fairness, maraming nagsasabi na idol na idol nila ang misis ni Dingdong Dantes pagdating sa pagiging asawa, lalo na sa pagiging mommy kina Zia at Sixto Dantes.
Bilib daw sila sa tapang at diskarte ni Marian sa buhay na isa nga sa rason kung bakit napapanatili nila ni Dingdong ang matatag at tahimik nilang pagsasama bilang married couple.
Kamakailan, nabigyan ng pagkakataon ang Kapuso Primetime Queen at entrepreneur na makapagbahagi ng ilang life lessons na natutunan niya mula nang magkaroon sila ni Dong ng mga anak.
Naimbitahan kasi siya ng mga namamahala sa The Learning Tree Growth Center sa Quezon City na guest speaker sa isa nilang event para sa mga Grade 2 students. Dito, pinaalalahanan niya ang mga bata tungkol sa kahalagahan ng pagsunod at pagrespeto sa mga magulang.
“Pina-realize ko sa mga kids na ‘to how important ‘yung mga magulang nila sa kanila at kung ano ‘yung sakripisyo na ginagawa para lang mabigyan sila ng magandang buhay,” pahayag ni Marian sa panayam ng “24 Oras.”
Ibinahagi rin ng aktres na kahit super busy siya sa kanyang showbiz career, sinisiguro niyang naibibigay pa rin niya ang sapat na panahon para kay Dong at sa kanilang mga anak.
Feeling blessed din si Marian sa lahat ng blessings na dumarating sa buhay nilang mag-asawa lalo na ang pagkakaroon ng maayos na pamilya.
“Sobrang blessed ‘di ba. Sa kabila ng lahat na kahit sabihin mo nararanasan mo na Siya e, hindi pa rin ako natitigil magpasalamat sa taas sa blessing na ibinibigay, especially itong family na binigay Niya — na pinagarap ko talaga,” lahad pa ng Kapuso star.
Sa isang panayam namin noon kay Marian, sinabi niyang hindi siya “perfect mother,” pero ginagawa niya ang lahat para sa kabutihan ng mga anak, “Different women make different choices. But for me, being a mother is priceless.”
https://bandera.inquirer.net/300369/marian-inakyat-si-beatrice-sa-stage-ng-miss-universe-2021-sigaw-sa-pinoy-fans-proud-tayo-di-ba
https://bandera.inquirer.net/286967/hugot-ni-rica-sa-asawa-grabe-pala-talaga-ang-puso-ng-isang-ama
https://bandera.inquirer.net/299575/2-life-lesson-na-natutunan-ni-chie-filomeno-sa-pbb-never-give-up-and-never-judge-people