Ai Ai pinakilig ang netizens sa anniversary message para kay Gerald: I’m very lucky to have you as my husband…

Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan

NAGPALITAN ng kilig message ang mag-asawang Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan sa pamamagitan ng social media para sa kanilang 8th anniversary bilang magdyowa.

Kung hindi kami nagkakamali, magkahiwalay na nag-celebrate ang dalawa dahil umuwi kamakailan sa Pilipinas si Ai Ai habang naiwan naman ang kanyang hubby sa Amerika.

Bumalik ang Comedy Concert Queen sa bansa para sa bago niyang Kapuso teleserye na “Raising Mamay” kung saan makakasama niya ang StarStruck Ultimate Female Survivor na si Shayne Sava.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Ai Ai ng sweet photo nila ni Gerald na may nakasulat na mensaheng, “The most wonderful thing I decided to do was to share my life and heart with you 8 years ago.”


“I am very lucky to have you as my husband. I love you infinitely. GOD BLESS US ALWAYS.. HAPPY 8th year anniversary my darling darl…” sabi pa ng komedyana.

Siyempre, hindi rin nagpatalbog si Gerald sa anniversary greeting ng kanyang wifey at nagbahagi rin ng nakakakilig na mensahe sa Instagram kalakip ang mga pictures nila together.

“Happy 8th anniversary wishes to my lovely wife. I’m so happy to have you in my life.

“Thank you for everything my wife @msaiaidelasalas. I love you so much darling darling. I miss you. Konting konti nalang,” ang sabi pa ni Gerald na mukhang ang tinutukoy nga ay ang pagbabalik ni Ai Ai sa Amerika.

Bumuhos naman ang pagbati ng “congratulations” para sa mag-asawa kabilang na riyan ang comments nina Marian Rivera, Ina Feleo at Joyce Ching.

Noong December, 2021 ay nagdiwang naman sina Ai Ai at Gerald ng kanilang fourth wedding anniversary. Ikinasal sila noong 2017 sa Christ the King Parish Church sa Quezon City.

Matatandaang inihayag ni Ai Ai sa isang panayam na medyo magtatagal ang pananatili nila ni Gerald sa Amerika dahil marami siyang kailangang asikasuhin doon.

Kamakailan lang ay umuwi nga ang komedyana sa Pilipinas dahil hindi niya matanggihan ang seryeng “Raising Mamay” na inalok sa kanya ng mga bossing ng GMA 7.

https://bandera.inquirer.net/294203/ai-ai-gerald-tuloy-na-ang-pagtira-sa-us-balak-ding-magbuntis-sa-pamamagitan-ng-surrogacy

https://bandera.inquirer.net/308022/kahit-hindi-na-magkaibigan-ai-ai-hiling-pa-rin-ang-paggaling-ni-kris-god-bless-her

https://bandera.inquirer.net/283765/ai-ai-sa-pagiging-single-mom-noon-isa-yun-sa-pinakamahirap-na-moment-sa-buhay-ko

Read more...