“IT’S not about being the best.. it’s about FEELING the best!” Iyan ang ipinagdiinan ng Kapuso actress at “Bubble Gang” bombshell na si Valeen Montenegro tungkol sa lumalalang isyu ng body shaming sa social media.
Ayon sa aktres, talagang patindi na nang patindi ang pambabastos at panlalait ng mga tao sa socmed, lalo na kapag nakakakita sila ng mga kapintasan sa itsura at katawan ng kanilang kapwa.
Sa kanyang Instagram account, idinaan ni Valeen sa pagiging komedyana ang kanyang hugot patungkol sa mga “imperfections” o kapintasan sa katawan niya.
Kabilang na nga riyan ang pagkakaroon ng body hair. Aniya, normal din sa mga babae ang tubuan ng buhok sa iba’t ibang bahagi ng katawan at hindi raw ito dapat ikahiya.
Nag-post ang dalaga sa IG ng ilan niyang sexy photos kung saan tila may nakadikit na lumot sa kanyang kilikili na nagmukhang buhok. Sabi niya sa caption, “Au naturel. Body hair is NORMAL! It’s natural! And we need to talk more about it!”
Sabi pa ni Valeen, marami nang paraan ngayon na pwedeng subukan para mabawasan o makontrol ang pagtubo ng buhok sa kilikili, private parts at iba pang parte ng katawan.
“We have an option to shave, wax and laser, but when other people criticize us for our ‘imperfections’ let’s all think and understand muna.. what is Perfection ba?
“I know my body is not even close to perfection. But I love and nourish my body because it allows me to do things that make me happy,” paliwanag ng Kapuso star.
Nagbigay din si Valeen ng mensahe para sa lahat ng mga nang-ookray sa katawan niya, lalo na sa mga netizens na nagsasabing wala siyang boobs, walang korte ang katawan at kung anu-ano pang panlalait na salita.
“I don’t get affected anymore when people point out my flaws. Hellowww? Don’t you think I know that by now? LOL
“Just wanted to share this cause I think more girls need to hear it! Because stereotypes should be broken!
“Let’s not compare ourselves to others and just love OUR OWN bodies! It’s not about being the best.. it’s about FEELING the best!” mariin pang sey ng aktres na isa sa mga celebrities na nakikipaglaban para sa body positivity.
Sa isang panayam, sinabi ni Valeen na mula noon hanggang ngayon ay nabibiktima siya ng body shaming at ang laging napapansin sa kanya ay ang flat niyang dibdib.
“Shout out nga pala sa mahihilig mag-judge at sabihin na ako ay flat or nakatalikod.
“But for the record actually, parang first time ko itong sasabihin sa TV, I’m very confident with my babies. I love them how they are.
“Kasi hindi siya hindrance. I’m not saying naman for other people that have bigger boobies than me are nahihirapan. Pero I love the way they are and I’m not at all insecure about them. As in, I’m so confident and I’m so blessed to have these,” depensa ni Valeen.
https://bandera.inquirer.net/279993/valeen-montenegro-laging-tinutukso-dahil-sa-boobs-but-im-very-confident-with-my-babies
https://bandera.inquirer.net/288598/valeen-montenegro-binalaan-ang-publiko-sa-mga-pekeng-covid-19-test-clinic-pera-pera-lang-sila
https://bandera.inquirer.net/283177/ai-ai-naglagas-ang-buhok-dahil-sa-stress-sa-us-planong-magpabakuna-kontra-covid-19