Christine Bermas ayaw panoorin ang sarili habang nakikipag-sex sa pelikuka; nasigawan din ni Joel Lamangan

Christine Bermas at Kit Thompson

HINDI kayang panoorin ng Vivamax star na si Christine Bermas ang mga ginagawa niyang sex scenes sa pelikula.

In fairness, bukod sa paghuhubad at pakikipagchurvahan sa kanyang mga nagiging leading man, napatunayan din ni Christine na may ibubuga rin siya pagdating sa akting.

Sa katunayan, puring-puri siya ng award-winning veteran director na si Joel Lamangan na siyang nagdirek sa dalawang pelikula niya sa Vivamax — ang “Moonlight Butterfly” at “Island Of Desire.”

Wala raw kasing inhibitions at kaartehan sa katawan si Christine sabi ni Direk Joel, lahat ay kaya nitong gawin kabilang na ang pagpapakita ng katawan.

“Nakapag-adjust na ako simula pa lang and wala na akong ano (reklamo) pagdating sa sexy kasi yung mga nagawa ko namang movies recently, hindi naman siya more on sexy. Du’n talaga siya sa story nagpo-focus.

“Before, nu’ng first mahirap yung mga adjustment na ginawa ko and then after that after ilan na yung nagawa kong sexy movies ay parang nilalaro ko na lang yung sarili ko when it comes to mga sexy scenes,” pahayag ni Christine.

Patuloy pa niya, “Ang problem lang talaga sa akin is kapag may movie na or streaming na yung ginawa kong film and may mga sexy scenes akong ginawa du’n, hindi ko talaga siya kayang panoorin.

“Kasi sabi ko naman sa sarili ko, ‘Ay alam ko na naman yung ginawa ko du’n, eh.’ Ha-hahaha! Parang ayaw kong panoorin yung sarili ko kapag may mga sexy scenes,” pag-amin ni Christine.


Sa latest Vivamax original movie niyang “Island of Desire”, muling napasabak sa hubaran at aktingan si Christine, “Kakaiba nga talaga yung istorya niya. Halos lahat misteryoso yung mga nangyari and first time ko siyang gawin ng ganito.

“Actually gusto ko ng mga ganitong film. As in kakaiba talaga yung mga nangyari and halos lahat kasi ng story is nagpo-focus sa mind ni Martha (ang karakter niya sa movie). Super mysterious talaga halos lahat ng mga scenes namin dito,” kuwento ni Christine na hindi ikinahihiyang dati siyang kasambahay sa Palawan.

Samantala, umaasa naman si Christine na magtatagal siya sa showbiz kahit nagsimula siya bilang sexy star.

“Hindi tayo dapat more on pagpapakita ng katawan, dapat aralin din natin para meron tayong skill when it comes to acting. Isang puhunan din natin yun pagtanda natin.

“Hindi naman habangbuhay sexy star tayo. Pero kung meron tayong arte sa sarili and alam natin gawin yung trabaho natin, for sure siguro tatagal tayo sa industriya,” aniya pa.

Nabanggit din niya na feeling lucky siya na makatrabaho muli si Direk Joel at inaming nasigawan din siya ng veteran filmmaker, “Nag-start din kasi talaga ako kay direk Joel Lamangan. Siya ang nag-launch sa akin. Na-experience ko naman (masigawan) pero hindi naman yung super sigaw.

“Kaya ganu’n kasi gusto niya na maipakita mo pa yung ikaw talaga at alam mo sa sarili mo na kaya mo pang gawin yung hinihingi niya. Hindi ako na-intimidate or natakot.

“Siguro kaba kung paano ko gagawin as his actress and kaba siguro kung paano ko ibibigay yung tamang hinihingi ng director. Yung takot na may respeto kung paano mo gagawin at maipapakita sa director na ito yung gusto niya, ganu’n,” paliwanag ng dalaga.

Pagdating naman sa mga nangnenega sa kanya, “Good or bad comments okay sa akin yun. And mas binibigyan pansin ko yung mga bad comments.

“Naa-appreciate ko naman yung mga good comments. Na-accept ko rin yung bad comments kasi for me hindi siya totally a bad comment. Para sa akin, mas na-i-improve ko yung self ko sa mga ganung comments.

“Aware ako kung ano pa yung mga puwede ko gawin. Aware ako kung ano pa yung mga puwede ko i-adjust, especially sa voice ko. Aminado ako diyan. Kini-criticize yung voice ko when it comes sa acting. Mas accept ko yung mga bad comments kasi du’n ko nakikita yung self ko na puwede ko pang i-improve yung sarili ko,” dagdag pa niyang sabi.

Napapanood na ang “Island Of Desire” sa Vivamax. Kasama rin ni Christine dito sina Sean de Guzman, Jela Cuenca at Rash Flores.

https://bandera.inquirer.net/302250/baguhang-sexy-star-proud-na-umaming-naging-kasambahay-nagtinda-rin-ng-mga-kakanin

https://bandera.inquirer.net/281723/diego-nakikita-na-ang-sarili-bilang-asawa-ni-barbie-kasama-ang-kanilang-mga-anak

https://bandera.inquirer.net/309887/palabang-sexy-star-na-si-christine-bermas-ayaw-munang-magpabuntis-type-na-type-si-joshua-garcia

 

Read more...