Nadine Lustre na-pressure bilang ‘president’ pero grateful pa rin: It makes me feel loved!

Nadine Lustre na-pressure bilang 'president' pero grateful pa rin: It makes me feel loved!

AMINADO ang singer-actress na si Nadine Lustre na nakakaramdam siya ng pressure sa tuwing tatawagin siya bilang “president” ng kanyang mga taga-suporta.

Ibinahagi ng aktres ang kanyang naging reaksyon nang una niyang narinig ang bansag sa kanya ng mga fans noong interbyuhin siya ni Bianca Gonzalez sa Cinema News.

“Before, I really didn’t understand it. Everytime people would call me that parang, ‘Why are people calling me that?’ I always found it so weird,” saad ni Nadine.

Nagsimula ang pagbansag o pagtawag sa aktres bilang “President Nadine” noong 2017 matapos siyang i-proclaim ng mga netizens bilang internet’s “president”.

“Now, honestly, it makes me feel loved. Because every time people say that or every time people call me that, it’s a sort of acknowledgment that I’m someone people look up to, or someone that people listen to — that my voice is heard,” pagpapatuloy ni Nadine.

Pag-amin niya, bagamat naa-appreciate niya ang pagtanggap at pag-acknowledge sa kanya ng mga tao ay nakakaramdam pa rin siya ng pressure kaya lagi niyang iniisip ang gagawin at sasabihin sa social media.

Pagpapaliwanag ni Nadine, “There’s also a bit of pressure because I’m very vocal about a lot of things so I guess I have to think about what I tweet or what I say on social media, even with what I do.

“I mean, it’s not like I’m gonna do bad things but you get what I mean, there’s a bit of pressure but I like it because ‘yun nga, I’m acknowledged!”

Sa ngayon ay nagbabalik pelikula na si Nadine at kasalukuyan nang ipinapalabas ang kanyang comeback movie “Greed” na pinagbibidahan nila nina Diego Loyzaga at Epy Quizon sa direksyon ni Yam Laranas.

Bukod rito, nag-trending rin ang aktres matapos itong dumalo sa Pampanga campaign sortie para tumindig at magpakita ng suporta sa tambalang Leni Robredo-Kiko Pangilinan kung saan kinanta niya ang kanyang single na “Para-paraan”.

Isang fan rin ang nagbigay sa kanya ng bote ng lechon sauce sa pagtatapos ng kanyang performance na nagmula sa kanyang viral Siargao photo noong August 2021 habang bumibili siya sa isang sari-sari store.

 

Related Chika:
Nadine shookt sa ginawa ng lalaking fan sa rally ni VP Leni, niregaluhan ng sarsa ng lechon

Nadine sa viral ‘lechon sauce’ photo: Gutom na gutom na ‘ko nu’n, tapos ‘yung chicken na nabili walang sarsa

James, Nadine trending sa socmed dahil sa lechon

Read more...