NEVER daw nagselos ang vlogger at commercial model na Nico Bolzico sa mga intimate scenes ng kanyang wifey na si Solenn Heussaff sa pelikula at teleserye.
Hindi rin daw siya nakakaramdam ng galit o pagkairita kapag nakikita niyang may kasama at kausap na ibang lalaki ang Kapuso actress at TV host.
Ito raw ang isa sa mga sikreto ng celebrity couple kaya naman hanggang ngayon ay solid na solid pa rin ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.
Napag-usapan kasi ang tungkol sa relasyon nila ni Solenn as married couple nang mag-guest siya sa podcast ng kaibigan at kapwa vlogger na si Wil Dasovich na may titulong “SuperHuman.”
Dito nga tinanong ni Wil si Nico ng, “Have you ever got jealous of a guy of Solenn talking to a guy?”
Mabilis na sagot ni Nico, wala siyang maalala na nag-away o nagkagalit sila ni Solenn nang dahil sa selos dahil hindi raw ito uso sa kanilang relasyon.
“I never got jealous ever. I think she didn’t also,” pahayag ni Nico na super secured ang feelings para sa asawa kahit pa nga iba’t ibang lalaki ang nakakatambal nito sa mga ginagawang TV and movie projects.
“So I married the hottest girl in the Philippines. And then she’s doing movies with kissing scenes, right? Imagine if I would be a jealous guy. You cannot be with someone like that.
“On that note, that’s her job and I really respect her profession. Nothing to be jealous of,” paliwanag ni Nico.
Naniniwala rin siya na sa isang relationship napakahalaga ng tiwala at open communication, lalo na kung pareho pa kayong public figures.
Sey ni Nico, “It’s about trust and communication. If there is trust and communication, there shouldn’t be any security issues, there shouldn’t be jealousy.”
Ikinasal sina Nico at Solenn sa France noong 2016 at meron na silang two-year-old daughter ngayon, ang super bibo at cute na cute na si Thylane.
https://bandera.inquirer.net/301346/nico-bolzico-pinaalalahanan-ang-madlang-pipol-lets-be-aware-of-how-blessed-we-are
https://bandera.inquirer.net/296687/hidilyn-diaz-costume-ng-anak-nina-anne-at-erwan-pak-na-pak-sa-halloween
https://bandera.inquirer.net/291733/angel-nabiktima-rin-pambu-bully-sa-showbiz-may-inamin-tungkol-kay-solenn-heussaff