Monsour ipaglalaban ang monthly pension ng atletang Pinoy, mga batang ‘gifted’

Monsour del Rosario

ISANG buwan na lang at “judgment day” na. Sa darating na May 9, susugod na sa mga voting precinct ang mga Filipino para iboto ang napili nilang mga kandidato.

Marami ang nagsasabi na mas bukas at mas matapang ang mga artista ngayon sa paglalantad sa publiko ng kanilang mga sinusuportahang partido.

Base sa mga nababasa naming post sa social media, parami nang parami ang mga celebrities na sumasampa sa campaign rally ng presidential candidate na si Leni Robredo.

May mga artista rin namang sumusuporta kay dating Sen. Bongbong Marcos at inaasahan daw ng kampo nito na habang papalapit ang eleksyon ay madadagdagan pa ang bilang ng mga sikat na personalidad na mangangampanya para sa presidential aspirant.

Abangan na lang natin kung makakatulong nga sa mga tumatakbong politiko ang mga artistang lantarang nagpapahayag ng suporta sa kanila.

Samantala, painit na painit na rin ang laban at pangangampanya ng mga tumatakbong senador para sa May 9 elections.

Kamakailan lamang ay inihain na ng 1Sambayan ang kanilang alternatibong listahan kung saan pinagsama-sama nila ang 11 senatorial aspirants.

Kasama nga sa kanilang senatorial slate ang pang-11 kandidato ng grupo na si Monsour del Rosario.

Si Monsour na kilala rin sa mundo ng showbiz at sports, ay nagsilbi sa publiko sa loob ng anim na taon bilang konsehal, at tatlong taon bilang kongresista sa 1st District ng Makati City.

Kilala bilang “Ama ng Work From Home Law” at may-akda ng mahigit 292 panukalang batas sa Kongreso, layunin ni Monsour na ipagpatuloy ang kanyang mabuting gawain sa senado upang matulungan ang mga medical frontliners, mga atleta, mga batang may iba’t ibang kakayahan sa pag-aaral, magsasaka at mangingisda, at iba pang marginalized na sektor ng lipunan.

Noong Biyernes, April 8, pormal na inendorso ng 1Sambayan si Monsour bilang kaalyado ng Gobyernong Tapat.

“Dapat tayo ay magsama-sama at magkaisa para sa ating kinabukasan. Sa darating na eleskyon, husag po natin kalilimutan na meron din po tayong 12 na senador.

“We have to choose wisely sa mga senador na bibigyan natin ng six years. We have to be discerning.

“Binibigyan po kayo ng 1Sambayan ng magandang alternatibo at kasama po rito ang pang-11 sa aming listahan, si Monsour Del Rosario,” sabi ni 1Sambayan convenor Atty. Howard Calleja.

Para naman kay Monsour, ang kanyang napipintong pag-upo sa senado ay hindi lamang tagumpay para sa sarili at sa hangarin ng 1Sambayan na maghatid ng gobyernong tapat, kundi tagumpay para sa kinabukasan ng maraming Filipino.

“When I was competing in taekwondo years ago, I was very proud to bear the flag of our country. That still means the same to me today,” sabi ni Monsour.

“Just as I fought for the country in sports, I will be as fervent and dedicated in this fight for a seat in the senate not for myself, but for the future of our countrymen,” aniya pa.

Sabi pa ng aktor at atleta, ipu-push niya ang mga panukalang-batas na magbibigay ng assistance sa mga gifted children at monthly pension para sa national athletes na magwawagi sa Southeast Asian (SEA) Games, Asian Games, World Championships at Olympic Games.

“When the pandemic hit, a lot of national team athletes, who became coaches, they lost their livelihood, the gyms closed. There was even an Olympian who asked for my help na ibenta ang Olympic medal niya. We only have 300 Olympians and 10 Olympic medalist. Sabi ko, rare iyan, huwag mo ibenta.

“Kaya po dapat may monthly pension, depende po sa medal na napanalunan,” ani Monsour na nakapag-uwi na rin ng dalawang gold medals sa SEA Games.

Diin pang paalala ng tumatakbong senador sa mga botante, “We have to choose the right leader. If we don’t choose the right leader, our problems will never be solved and will only worsen.

“If we don’t choose the right leader, our people will only continue to suffer. Kaya piliin natin ang gobyernong tapat dahil dito aangat ang buhay ng lahat,” paalala pa ng actor-politician.
https://bandera.inquirer.net/309234/monsour-nirerespeto-ang-pagbibitiw-ni-ping-sa-partido-reporma-may-balak-pa-kayang-bumalik-sa-showbiz

Read more...