P-Pop group G22, VXON ayaw munang mag-love life, gustong mag-focus sa career

P-Pop group G22, VXON ayaw munang mag-love life, gustong mag-focus sa career

P-Pop groups VXON and G22

CLICHE na ang laging sinasabi ng mga baguhang singer o artista na prayoridad nila ang career kaysa sa pagkakaroon ng boyfriend o girlfriend.

May iba naman kaming nabalitaan na hinihiwalayan nila ang kanilang karelasyon kapag papasok na sa showbiz industry dahil gusto nilang mag-focus sa nagsisimula nilang career.

Sa nakaraang launching ng bagong PPop group na G22 at VXON na ginanap sa B Hotel, Scout Rallos, Quezon City ay natanong namin kung may mga lovelife na sila dahil imposibleng wala lalo na’t magaganda’t mga guwapo sila.

Sabi ng G22 ay may general rule sila na set aside muna ang pagkakaroon nila ng lovelife dahil kapag nangyari ito ay apektado ang buong grupo at nagkasundo silang apat dito.

Gayun din ang VXON na focus muna sila sa career bago ang lovelife dahil makakapaghintay naman ito.

Sa tanong namin kung hindi ba sila nagkaka-gustuhan sa isa’t isa dahil nasa iisang condominium building sila nakatira pero magkaiba ang floor at unit.

“We are siblings, brothers and sisters and we supported each other,” sey ni Franz.

Hirit naman ni AJ ng G22, “We really good friends, Tiktok.”

Diin namin na hindi naman puwedeng pigilan ang nararamdaman kapag gusto nila ang isa’t isa.

“Tumitibok po ang puso namin na mag-perform,” giit ni AJ na pinaka-leader ng G22 at main rapper.

Say naman ni C13 ng VXON, “normal naman po ang lovelife pero gusto po muna naming ma-reach ang goal namin.”

Sabay hirit din ng iba pang miyembro ng G22 na kailangan nilang mag-focus sa career nila para sa kanilang pamilya.

Inulit uling magkakapatid lang ang turingan nila lalo’t nasa iisang management company sila, ang Cornerstone Etnertainment, at lahat ng trainings nila ay magkakasama sila kaya ni minsan ay hindi nila naisip na magkagustuhan sila sa isa’t isa.

Sabi ni Franz ay after five years pa sila puwedeng magkaroon ng girlfriends at gayun din ang G22 na magkaroon ng lovelife.

Samantala, matindi ang dinaanan ng grupo dahil mahigit sa isang taon silang nag-audition na tanggal-balik-tanggal dahil sobra silang sinala. Ito ang dahilan kaya gusto nilang magpursige para hindi nasayang ang pagod nila at siyempre ang tiwalang ibinigay sa kanila ng Cornerstone Entertainment headed by Erickson Raymundo, Presidente at CEO.

 

 

At isa sila sa nag-concert sa Dubai Expo 2020 na talagang pinagkaguluhan ng lahat bilang kabilang sila sa P-Pop community.

Sabik na sabik ang P-Pop fans na makita ang patuloy na pagtaas ng ‘P-Pop wave’ dahil sa pagdagdag ng dalawang grupo na talaga namang kakaiba ang nais ipamalas sa madla.

Tinatawag na ‘Monster Rookies of P-Pop’ dahil nakapag labas na ang VXON ng dalawang kanta na pinamagatang ‘The Beast’ at ‘P.S.’

Ipinahihiwatig ng pangalan ng VXON ang pagkakaisa ng mga indibidwal na miyembro ng grupo patungo sa isang “vision” sa kabila ng pagkakaiba ng kani-kanilang pagkatao at pinanggalingan. ‘Vixies’ ang tawag sa official fandom ng VXON.

 

 

‘P-Pop’s Newest Caliber’ naman ang G22 ang kanilang mala-femme fatale na debut single na pinamagatang ‘Bang’ na sa tuwa ng mga P-Pop fans ay napukaw ang interes dahil sa tagumpay ng VXON sa nakaraang buwan.

Ang pangalan ng G22 at ng kanilang opisyal na fandom na ‘Bullets’ ay hindi maipag-hihiwalay dahil isang alusyon sa baril (ang Glock 22) at ang ito ay hindi gumagana kung walang bala. Bukas sa interpretasyon ang G sa pangalan pero ang 22 ay tumutukoy sa taon ng kanilang launch.

Mamayang gabi ang unang 2022 P-Pop Convention sa New Frontier Theater at Smart Araneta Coliseum naman bukas, Abril 10 kasama ang mga matagal na at baguhan na P-Pop group mula sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Ang VXON ay isang 5-member P-Pop boy group na binubuo nina C13 (Leader/Main Rapper), Patrick (Main Dancer), Franz (Main Vocals), Sam (Lead Rapper/Lead Vocals), at Vince (Visual/Lead Vocals).

Ang G22 ay isang 4-member P-Pop girl group na binubuo nina AJ (Leader/Main Rapper), Jaz (Main Vocal), Bianca (Main Dancer/Sub-rapper), at Alfea (Visual/Lead Vocal).

Ang musika ng VXON at G22 ay eksklusibong linalabas, dini-distribute, at pino-produce ng Cornerstone Entertainment.

 

Related Chika:
TV5, Kumu, Cornerstone sanib-pwersa para sa ‘Top Class: The Rise to P-Pop Stardom’

BGYO, BINI matinding hamon ang haharapin sa ‘One Dream’ concert: Tingnan natin kung kakayanin nila!

Read more...