Kandidatong nagpakawala ng bilyong pisong pondo click sa survey

blind item politician

Hindi na ako magtataka kung bakit pasok sa magic 12 sa mga surveys ang isang kilalang pulitiko na noong una ay inakala nilang sa kangkungan pupulutin ang political career.

At dahil nga nabanggit ko na ang katagang “magic 12” kaya malinaw na tumatakbo ito sa pagka-senador.

Sinabi ng aking cricket na buhos ang pondo sa political headquarters ng ating bida dahil sa dami ng mga tagasuporta pagdating sa pera.

Ito ang rason kung bakit kaya niyang bumili ng milyong pisong halaga ng air time sa mga TV at radio stations hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa mga malalayong lalawigan.

Saturated rin ng kanyang campaign materials ang mga online page at websites lalo na ang mga sikat na social networking sites.

Kamakailan ay lumabas ang ulat na kabilang siya sa mga gumastos na ng bilyong pisong halaga ng campaign materials at political ads bagay na itinatanggi ng kampo ng pulitikong ito.

Bigla tuloy akong napaisip kung bakit kailangang gumastos ng bilyong pisong pondo ang isang pulitiko makapag-lingkod lang kuno sa sambayanang Filipino.

Paano niya mababawi ang napakalaking halaga kung sa sweldo at pondo lamang ng kanyang opisina siya aasa.

Tama ang dating pahayag ng aking Lolo na may himalang pinaghuhugutan ng pondo ang ilang mga pulitiko.

Kung susumahin ang gastos sa legal na sweldo ng mga pulitiko mula sa panahon ng kampanya hanggang sa matapos ang kanyang termino sakaling siya ay manalo ay makikita ninyong lugi sa kita ang puhunan.

Kung sa sugal ika nga eh tataob ang bangka.

Pero sa iba daw ang nasa-posisyon sa gobyerno sa bansang tulad ng Pilipinas.

Ayaw kong maglagay ng malisya pero talagang mapapa-isip ka na totoong paglilingkod lang ba ang hangad nila o tunay na may gripo ng pera sa pulitika.

Read more...