Pilita Corrales aminadong gusto si Rayver para kay Janine, nagtaka bakit naghiwalay ang dalawa

Pilita Corrales aminadong gusto si Rayver para kay Janine, nagtataka bakit naghiwalay ang dalawa
NAKAPANAYAM ng vlogger na si Timmy Basil si Pilita Corrales kung saan natanong ito patungkol sa kanyang apong si Janine Gutierrez at sa dati nitong karelasyon na si Rayver Cruz.

Malugod naman na pinaunlakan ng singer-actress ang vlogger at sinagot ang mga katanungan nito.

Pagkukwento ni Pilita, gustong gusto niya ang Kapuso star para sa kanyang apo.

Ngunit pag-amin niya, kahit siya ay clueless kung ano ang nangyari sa relasyon ng dalawa.

“Alam mo. I like Rayver. Me too, I don’t know what happened. Ang sinabi, si Rayver ang umatras. Yun ang nadinig ko. Yun ang sabi niya. ‘Mita, it’s Rayver’. Then what can you do, di ba?” saad ni Pilita.

Aniya, wala naman siyang magawa kahit na gusto niya ang aktor para kay Janine.

Pinuri naman niya ang apo at sinabing super sweet na bata raw ang aktres.

Sey ni Pilita noong ini-interview siya ay kasaluluyang nasa Amerika si Janine dahil may show ito.

 

 

Dito na nga siya natanong kung may alam siya sa bagong nali-link sa kanyang apo na si Paulo Avelino.

Mukha namang hindi aware si Pilita sa ugnayan ni Janine sa aktor dahil hindi pa naman daw ito ipinapakilala sa kanya ng apo.

Pero kung sakali man daw na totoo nga ang kumakalat na balita ukol sa apo ay suportado naman niya ito.

“Well, kung talagang… wala na akong magagawa. If it’s really meant to be, it’s meant to be. Kung talagang nagmamahalan sila, sino ba naman ako para magsabi… kumbaga hindi ko pa siya nakakausap until they come back,” lahad ni Pilita.

Ayaw rin daw niyang panghimasukan ang buhay ng kanyang apo.

“Kaya ako naman, ayaw ko na manghimasok. ‘Uy, si Janine pala may boyfriend na ganito’, hindi ko naman kilala. Unless Janine talks to me, I cannot say anything,” dagdag pa ni Pilita.

 

Related Chika:
Payo ni Pilita kay Janine nang ‘tarayan’ ng female celeb: Sana sinampal mo agad!

Pilita Corrales kay Janine Gutierrez: Sana huwag na lang siya mag-asawa!

Pilita Corrales basag na basag sa fans: Paano mo nasikmurang gawin yun kay Janine!?

Read more...