TODO ang pasasalamat ng Kapuso actress na si Pauline Mendoza sa lahat ng pumupuri sa kanyang performance sa hit Kapuso primetime series na “Widow’s Web.”
In fairness, talagang nakikipagbakbakan din ang dalaga sa mga co-stars niya sa unang suspense serye ng GMA pagdating aktingan bilang ang hotel employee na si Elaine Inocencio.
“Nakakatuwa kasi most viewers like my portrayal of the character I play. As Elaine, ako lang yung mahirap sa apat na babaeng bida sa story, sina Carmina Villaroel, Vaness del Moral and Ashley Ortega. Sila, mga sosyal, ako yung poor.
“I think nakaka-relate ang viewers sa akin kasi napagbintangan pang killer yung boyfriend ko, si Edgar Allan Guzman as Frank, who will eventually be my husband,” kuwento ni Pauline.
“I know he is innocent so I took it on my own to investigate about the crime ng pagpatay kay Ryan Eigenmann na brother ni Ate Carmina in the story.
“Marami akong matutuklasang lihim ng ibang characters in the process at malalagay rin sa panganib ang buhay ko sa pagnanais kong malaman ang katotohanan tungkol sa naganap na krimen,” chika ni Pauline.
Sa pagpapatuloy ng kuwento, palaisipan pa rin sa mga manonood kung sino talaga ang pumatay kay Xander played by Ryan Eigenmann.
Lahat kasi ng karakter sa serye ay pwedeng suspek dahil lahat sila ay may motibo sa pagpatay sa biktika tulad nina Ashley Ortega as Jackie at Carmina Villarroel bilang si Barbara.
“Talagang kapana-panabik ang bawat episode gabi-gabi kaya huwag na huwag kayong bibitaw sa panonood para wala kayong anumang ma-miss sa takbo ng kuwento. I’m really happy to be a part of this very successful teleserye on primetime,” mensahe ni Pauline.
Nauna rito, nabanggit din ng dalaga ang ilan sa mga life lessons na natutunan niya sa ilang taong pamamalagi sa showbiz, “Ang tumatak talaga sa akin is the need for humility.
“It doesn’t matter kung gaano katagal ka na showbiz at gaano kalayo na ang narating mo, it always pays na maging mapagkumbababa ka to the people you work with.
“Be nice, be kind, lalo na sa mga mas senior sa iyo, co-actors mo man o director o staff and crew. Just be humble at huwag na huwag lalaki ang ulo.
“Up to now, I feel na baguhan pa rin ako so I have to stay always humble. And I just keep striving, learning more about my craft, ready to face all kinds of hard work,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/308912/pauline-mendoza-6-years-na-sa-showbiz-ang-natutunan-ko-talaga-laging-magpakumbaba-be-nice-be-kind
https://bandera.inquirer.net/306143/pauline-mendoza-nagpapayat-para-sa-widows-web-una-kong-mature-role-at-may-asawa-na-ako-rito
https://bandera.inquirer.net/283277/thea-astley-may-2-kanta-para-sa-first-yaya-pauline-mendoza-laban-kung-laban