KC balik-akting sa US kasabay ng 37th birthday; Sharon may promise sa panganay na anak

KC Concepcion

KINUMPIRMA ng singer-actress na si KC Concepcion ang good news na balik-akting na siya ngayong 2022.

Kasabay ng pagse-celebrate ng kanyang 37th birthday ngayong araw, April 7, ibinahagi nga ng panganay ni Megastar Sharon Cuneta ang muli niyang pagsabak sa aktingan.

Sa kanyang Instagram page, excited na in-announce ng dalaga na may bago siyang acting project na pagkakaabalahan, kalakip ang latest glam photo niya.

“Being back on set for my birthday, doing what I’ve always loved, is a celebration in itself…

“Please, do what makes you happy — what makes you feel alive,” ang bahagi ng caption ni KC sa kanyang IG post.

Kasunod nga nito, inilarawan niyang isang dream come true para sa kanya ang makaarte uli habang ine-enjoy ang buhay niya sa Amerika.

“Coming back to acting + living in New York for work is another dream come true. Keep dreaming new dreams loves,” mensahe pa ni KC.

Samantala, binati rin ni Sharon ang anak nila ni Gabby Concepcion sa pamamagitan ng Instagram kung saan muli niyang ipinaramdam ang abot-langit at unconditional love para sa anak.

“So much has happened, so much still not said. So much has happened, so much has changed. Still, know that there is a huge chunk of my heart that is missing, empty without you.


“I will always be your mother, no matter what choices in life you have made and will make.

“I will be here, constantly praying for you, wishing things were different, that you didn’t have to grow up too fast – that the pain of your family breaking up didn’t have to happen nor burden you.

“Again, none of it was your fault. Your Papa and I have always and will always love you though he and I are apart,” ang emosyonal na pahayag ni Mega para kay KC.

Dugtong pa niya, “And your Daddy and siblings – and your Mama – shall always be your real home. I love you, Kristina.

“God bless you and guide you through your life, my beautiful big girl. One day, we will all be together and it will all be wonderful again. Have a beautiful birthday!” pahabol pa niya.

Matatandaang noong September, 2021 ay in-announce ni KC na magtatagal pa siya sa Amerika dahil nagdesisyon siyang ipagpatuloy na roon ang kanyang pag-aaral.

https://bandera.inquirer.net/281775/kc-malalim-ang-b-day-hugot-nag-alay-ng-dasal-para-sa-lahat-ng-tinamaan-ng-covid

https://bandera.inquirer.net/294780/bine-baby-hugot-post-ni-kc-patutsada-nga-ba-kay-mega

https://bandera.inquirer.net/300290/pangarap-ni-kc-concepcion-tinupad-ng-hollywood-actress-na-si-jessica-parker

Read more...