ANG pagpasok ni Regine Velasquez sa “Magandang Buhay” bilang kapalit ni Karla Estrada ang isa sa pinag-usapan nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa “Cristy Ferminute” radio program sa Radyo5 92.3 News FM.
May isyu kasi na sinulot daw ng Songbird ang puwesto ni Karla sa “MB” bilang isa sa host kasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros-Francisco.
“Uy, anong balita sa paborito mong TV host? Ang Mother Queen?” bungad ni ‘Nay Cristy kay Romel Chika.
“E, di wala na siyang show,” nakangiting sagot ng co-host ng batikang manunulat.
“Huy, ang balita kasi sinulot daw siya ni Regine Velasquez?” tugon ni ‘Nay Cristy.
“Me gano’n, sinulot?” tumawang sabi ni Romnel Chika.
Patuloy ni Nanay Cristy, “Siya na raw ang magho-host talaga at matalo-manalo itong si Karla wala na siyang babalikan na programa. Ako hindi ganu’n ang pananaw ko.
“Ang alam ko naghanda siyempre ang ABS-CBN sa ipinagpaalam naman sa pagpasok sa politics ni Karla at kinuha si Regine Hindi naman manunulot si Regine! English lang siya nang English pag tinatanong mo ng Filipino pero hindi naman siya manunulot,” aniya.
Hirit naman ni Romel Chika, “Hindi siya manunulot sa trabaho ‘Nay, iba ang sinusulot niya, charot!”
Natawa si Nanay Cristy sa biro ng.co-host, “Nagbibigay siya ng trabaho sa kanyang kapwa. Hindi siya nanunulot! At doon sa sinabi mo, sa nakaraan ‘yun.”
“Ang alam ko dito ‘Nay di ba, si Regine sumusuweldo siya kahit wala siyang ginagawa kaya ibinigay itong kay Ms. Karla para nabibigyan siya ng trabaho at the same time meron siyang exposure,” paliwanag ni Romel Chika.
Ayon kay ‘Nay Cristy ay, “Hindi naman kataka-taka kung isang Regine Velasquez ang ilalagay sa Magandang Buhay. Regine Velasquez siya, titulado siya, magaling siya, maaasahan siya, professional siya. Ako man ang tagapamahala ng programa isa si Regine talaga sa magiging prayoridad ko.”
Sa pananaw naman ni Romel Chika ay okay naman ang Songbird, “Kahit alam naman nating hindi maopinyon si Regine sa mga bagay-bagay pangalan lang niya talaga laban na talaga na isama ‘yung pangalan niya pasok na kaagad!”
Pero kinorek ni Nanay Cristy ang kasama niya, “Huy, maopinyon siya kaya nga siya nalalagay sa mga alanganin, eh. ‘Yung mga bagay-bagay na hindi na dapat inuungkat pa inoopinyon din niya nadadamay pa siya sa iba.
“Pero pag talento po ang pinag-usapan, professionalism hindi po naman matatalo ang programa kapag si Regine Velasquez ang kinuha para po mag-host.
“E, sa kanilang tatlo ngayon, Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, Regine Velasquez sino ba naman ang may trono sa kanilang tatlo, pinakamataas?
“Lalo na si Melai nalalagay sa mga alanganin ngayon na puro negatibo ang nakakapit sa kanya,” sabi pa.
“Puro bash ang natatanggap ni Melai ngayon, kawawa naman,” sambit ni Romel Chika.
Kuwento ni Nanay Cristy patungkol kay Melai, “Alam mo, tumayo lang naman ‘yung ale sa entablado at habang nagpapalakpakan naman ang audience at nagsisigawan bilang pagsang-ayon para naman kasi siyang kinargahan ng dugo. Blood plasma parang sinuweruhan, nagtatalak ng nagtatalak, ngayon pinepersonal na siya.”
“Opo umabot na po sa NBI ang mga reklamo niya, ano ba ‘yun?” saad ng kasama ni Nay Cristy.
“Oo, mas marami ang namba-bash sa kanya ngayon. Alam mo natutuwa ako kay Melai, gusto ko siya kaya lang tumaya siya sa isang pulitiko. ‘Yung pinsipyo niya pinairal niya.
“Alam mo naman ngayon, pinakamadali ngayon na paraan para mawalan ka ng mga kaibigan, i-post mo kung anong kulay ang dala-dala mo, di ba? At ‘yun na siguradong maraming mamba-bash.
“Kaya huwag naman po nating sabihing sinulot ni Regine. Ipagpalagay nang sinulot, ‘yung nanulot po ba hindi karapat-dapat? At ‘yung sinulutan po ba ng trabaho, mas matindi po ba kaysa ‘yung kay Regine? Naman!”paliwanag mabuti ni ‘Nay Cristy.
Opinyon naman ni Romel Chika, hindi dapat sulot ang tamang termino kundi pinalitan na lang dahil kapag sinabing sinulot ay may malisya na.
https://bandera.inquirer.net/306790/regine-tuluyan-na-nga-bang-papalitan-si-karla-sa-magandang-buhay-dahil-sa-pagsabak-sa-politika
https://bandera.inquirer.net/309427/karla-estrada-umalma-sa-post-ng-netizen-ipinagtanggol-si-vp-leni
https://bandera.inquirer.net/308893/si-karen-davila-talagang-naloka-kay-robin-padilla-cristy-fermin