Herlene Budol nag-sorry matapos halikan si Alden: Baka kasi mabaho ‘yung hininga ‘ko kaya umayaw siya!

Herlene Budol ninakawan daw ng halik si Alden Richards

Herlene Budol at Alden Richards

“KUNG may mali po ako, sorry. Sorry po sa lahat ng AlDub Nation at pati po sa mga Aldenatics,” ang dire-diretsong paghingi ng dispensa ni Herlene Budol sa lahat ng fans ni Alden Richards.

Ito’y matapos ngang umalma ang mga tagasuporta ng Asia’s Multimedia Star dahil sa pagnanakaw umano ng halik ni Herlene o mas kilala bilang Hipon Girl sa binata.

In fairness, nag-sorry na ang Kapuso comedienne sa mga fans pagkatapos mag-viral ang kanyang TikTok video kung saan nga mapapanood ang paghalik niya sa pisngi ni Alden.

Makikita ring yumakap ang dalaga kay Alden mula sa likuran nito habang kilig na kilig. Sinabi pa ni Herlene na talagang solid AlDub siya at hanggang ngayon ay love na love pa rin niya sina Alden at Maine Mendoza.

Ang komento ng mga netizens, parang na-awkward daw kasi si Alden nang bigla siyang halikan ni Herlene kaya sa pangalawang attempt ng komedyana na nakawan uli ng kiss ang aktor ay tila umiwas na ito.

Sa panayam ng GMA Network,  ipinaliwanag muli ni Herlene ang kuwento sa likod ng kontrobersyal na “stolen kiss”.


“Nagpaaalam ako, ‘Alden, pa-kiss.’ Kaso ‘yung cellphone ko, kakakuha ko pa lang tapos saka ko siya kinisan.

“Nagpaalam naman po ako tapos nag-sorry din ako after kasi baka mabaho ‘yung hininga ‘ko sa part na ‘yun kaya umayaw siya. Charot!” birong pahayag ng komedyana.

Aniya pa, “Baka hindi lang po narinig, ganoon. Marami po kasi talagang tao. Si Alden ba naman hindi pagkakaguluhan.”

Kung maraming natuwa at naaliw sa TikTok video nila ni Alden, may mga hate comments ding nag-post laban sa kanya na hindi natuwa sa paghalik niya sa Pambansang Bae.

“Bago po ako nag-video, nagpaalam na po ako. Marami lang po talagang tao noon kaya parang hindi lang po sa akin naka-focus si Alden.

“Kasi sabi nila sa comments, sumimangot daw. Hindi naman po ganoon. Sobrang bait ni Alden. Walang eme talaga.

“First kita ko sa kanya. AlDub Nation ako kaya sobrang kilig ko noong nakita ko si Alden.

“As in, sobra talaga. Ang gwapo, parang mannequin! Walang pores. Ang kinis! Na-amaze ako bilang fan,” chika ni Hipon Girl.

Mensahe pa niya sa mga fans ng Kapuso heartthrob, “Kung may mali po ako, sorry. Sorry sa mga AlDub nation at Aldenatics. Isa po ako sa inyo kaya sobra lang ‘yung kilig ko.”

https://bandera.inquirer.net/289284/herlene-budol-bumuwelta-sa-mga-golden-bashers-may-hiling-para-sa-magulang-nina-toni-at-alex

https://bandera.inquirer.net/309320/basher-walang-awang-nilait-at-minaliit-si-herlene-budol-maganda-ka-sana-kaya-lang-bobita-ka

https://bandera.inquirer.net/296601/herlene-budol-bawal-pang-makipag-kissing-scene-hindi-pa-ako-masyadong-marunong-mag-toothbrush

Read more...