Mga ‘Marites’ supalpal kay Ruffa: Hindi ako buntis, hindi ako nakunan at hindi ako nagpakasal

Ruffa Gutierrez at Herbert Bautista

MUKHANG napuno at nabwisit na rin si Ruffa Gutierrez sa mga taong patuloy na nagpapakalat ng malilisyosong tsismis tungkol sa personal niyang buhay.

Kalat na kalat na kasi ngayon sa social media ang ilang video at news item na nagsasabing buntis daw siya ngayon courtesy of her rumored boyfriend na si Herbert Bautista.

Nakita namin ang ilang vlog sa YouTube pati na ang mga balitang naka-post sa iba’t ibang online portals na nagsasabing nagdadalang-tao umano ang dating beauty queen at kambal pa raw.

Kaya naman bago pa lumala ang mga kumakalat na pekeng balita tungkol sa kanya, naglabas na si Ruffa ng official statement sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Ibinahagi ng TV host-actress sa IG ang compilation ng mga fake news na nabasa niya online at isa-isa itong dinenay, pati na ang pagkakaroon umano niya ng boyfriend.

“Good afternoon to the Titas and Titos who have made me a favorite topic at parties and dinner tables,” simulang mensahe ni Ruffa sa kanyang mga fans and social media followers.
Pagpapatuloy pa niya, “After the 75th call from a Marites, let me set the record straight.

* I am not pregnant with twins.

* I never got married.

* I did not have a miscarriage.

* I did not admit to having a boyfriend.

“Everyone can now take a chill pill,” ang panghuling chika pa ng aktres.

Ilang kaibigang celebrities ni Ruffa ang nagkomento sa kanyang post.


Sabi ni Vina Morales, “Hahaha am I gonna be a ninang again hahaha!”

“Guuuuuurrrrrrrllllll…Maid of Honor pa rin dapat ako!” ang birong chika naman ni Donita Rose.

Comment ng kapatid niyang si Raymond Gutierrez, “This is hilarious!!!”

Ito naman ang hirit ni Jackie Forster, “Please pick me to be Ninang  @iloveruffag. LOL! kaloka mga Marites. Wala na nga mga chismis shows sige parin ng sige!”

Sabi ng kaibigan niyang host na si Cher Calvin, “Love you sis. Sending hugs.”

Ruffa umamin na sa tunay na relasyon nila ni Herbert: #1 sa puso ko!

Ruffa sa height ni Herbert: Half of Filipino men are shorter than me

Kahit ‘magdyowa’ na raw…Herbert, Ruffa magkaiba ang bet na presidente

 

Read more...