BALIK-SHOWBIZ na ulit ang sexy star na si Cloe Barreto pagkatapos magbakasyon nang ilang buwan.
Sa unang pelikula niyang “Silab” ay napuri siya nang husto ni Direk Joel Lamangan dahil unang salang pa lang niya sa pag-arte ay mahusay na.
Napanood din namin ang “Silab” at totoo ngang may ibubuga sa acting si Cloe na gumanap na may problema sa pag-iisip at talagang nakipagsabayan siya sa premyadong aktres na si Chanda Romero.
Kaya pala siya ang naisip ng kapwa sexy star na si Quinn Carillo na sumulat ng script na magbida sa pelikulang “Tahan.”
“Gurl, bagay na bagay sa ‘yo ‘to! Ikaw ang naisip ko sa role!” pahayag ni Quinn kay Cloe sa ginanap na storycon ng “Tahan”.
Sexy psycho-thriller ang tema ng pelikula na ididirek ng mahusay na direktor na si Bobby Bonifacio, Jr. na ang forte ay suspense, thriller at horror films.
Going back to Cloe, siniguro niyang mas huhusayan niya ngayon ang pag-arte at mas magiging palaban na kumpara sa launching movie niyang “Silab” na napanood sa Vivamax noong 2021 na produced ng Viva Films at line produced ng 3:16 Media Network.
“Marami akong pinagdaanan after kong gawin ang Silab. Kaya I think mai-aaplay ko iyon dito sa Tahan,” aniya.
Gagampanan ni Cloe ang karakter ni Elisse, isang prostitute na hayok sa laman. Labing-isang taong gulang pa lamang siya nang una siyang ibugaw ng kanyang inang si Nora (Jaclyn Jose).
Say ng baguhang aktres sa story conference na ginanap sa Music Box ay mas may lalim na siya ngayon dahil may paghuhugutan na. Hindi naman nag-elaborate si Cloe kung anu-ano ang mga ito.
At ang suwerte ni Cloe dahil si JC Santos ang leading man niya sa movie na ayon mismo sa aktor ay excited din siyang maka-work ang mga bagong artista dahil tiyak na may mga matututunan siyang bago dahil iba na rin ang henerasyon ngayon.
Kaya abut-abot ang pasalamat ni Cloe sa manager niyang si Len Carillo dahil grabe ang support system niya sa “Tahan” tulad na lang nina Jaclyn at JC.
Kuwento naman ng sumulat ng script na si Quinn, “Noong nasa first draft na ako, nag-chat ako kay Cloe, sabi ko may isinusulat ako na bagay sa kanya. Ito kasi (sabay turo kay Cloe) baliw-baliw.
“Hindi joke lang, feeling ko kasi hindi na siya aarte rito. Ha-hahaha! So sila na iyong nasa isip ko (Jaclyn and Cloe) habang isinusulat ko ito,” aniya.
Naluha ang baguhang aktres sa papuri sa kanya dahil nga pansamantala siyang nawala ay inakala niyang hanggang “Silab” na lang ang pelikula niya kaya sobrang saya niya nang may ikalawa siyang pelikula at nagpasalamat nang husto sa manager niyang si Len at producer na si John Bryan Diamante.
Makakasama rin ni Cloe sa pelikula bukod kina Jaclyn, JC, at Quinn, sina Karl Medina, AJ Oteyza, Mac Cardona, Mercedes Cabral, EJ Salamante, Joseph San Jose, at Stiff Banzon mula sa 3.16 Media Network.
https://bandera.inquirer.net/287584/direk-joel-bilib-sa-tapang-ni-cloe-barretto-sa-paghuhubad-para-siyang-si-jaclyn-jose
https://bandera.inquirer.net/296618/jaclyn-andi-kinuyog-ng-netizens-sinira-nyo-career-ni-albie-pero-never-kayong-nag-sorry
https://bandera.inquirer.net/287496/hirit-ni-jason-abalos-kay-vickie-rushton-panahon-na-para-bumuo-ng-pamilya