Neri, Chito binanatan ng nagmamaasim na basher, tinawag na mayabang: Ngayon lang kasi nakatikim ng kaginhawaan

Chito at Neri Miranda

AFFECTED much ang isang netizen sa mga bonggang-bonggang kaganapan sa buhay ng celebrity couple na sina Neri at Chito Miranda.

Isa si Neri sa mga local celebrities na proud na proud ibandera sa social media ang mga magagandang nangyayari sa buhay nila ni Chito, kabilang na ang mga nabibili nilang properties.

Sa Instagram account ng mag-asawa, talagang laging updated ang kanilang followers sa mga kaganapan sa kanilang married life pati na rin sa mga pag-aari nilang negosyo.

In fairness, maraming natutuwa at nai-inspire sa nakakamit na tagumpay ni Neri pati na ni Chito bilang mga negosyante pero may mga nangnenega at namba-bash din sa kanila.

Two days ago, nag-post si Neri sa Instagram ng kanyang litrato habang nakaupo sa massage chair na ibinigay daw sa kanya ni Chito. Sa caption, nagpasalamat ang aktres nang bonggang-bongga sa kanyang husband.

“Thaaaank you sa asawa ko dahil kahit nasa bahay, makakaramdam ako ng masahe. Sobrang masusulit sa akin eto at sobrang mahilig akong magpamasahe. Ang daming lamig sa likod at paa!

“Sa lahat ng husbands dyaaaan, perfect gift to sa asawa nyo. Pramis! Deseeeeeeeerved ng mga wives eto! Kaya spoilin’ na si misis at siguradong masaya ang buhay at bahay nyo, hehe!” post ni Neri.


May mga nagkomento ng positibo sa photo ng aktres pero may mga bumatikos din sa kanya. Tulad nga ng isang netizen na punumpuno ng galit sa kanyang puso na tinawag na “mayabang” ang mag-asawang Neri at Chito.

“Napakayabang ng mag asawang ito, lalo na itong si Neri. Lahat na lang ng ganap sa buhay nila ipopost, malaman lang ng tao anong meron sila.

“Ganito talaga ang mga laki sa hirap, show off. Kasi yong mga dating mayaman na, di nagpopost kung anong meron sila.

“Kumbaga normal na sa kanila ang magkaroon ng maraming bagay. Di tulad nitong sila Neri na ngayon lang nakatikim ng kaginhawaan.

“Kaya todo bandera sa madlang pipol mga ari arian nila. Hay naku Chito @chitomirandajr,” ang napakaasim na post ng nasabing basher.

Ngunit sa halip na resbakan at pagsalitaan din ng masama ang netizen, cool na cool siyang sinagot ni Neri, “Kung ano man ang pinagdadaanan mo, magiging maayos din.”

Bukod sa mga restaurants at iba pang food business, may bonggang farm na rin sina Neri at Chito. May babuyan na rin sila at iba pang negosyong may kinalaman sa mga hayop.

Nakabili na rin ang celebrity couple ng isang condo unit para sa panganay nilang si Miggy at nakapag-invest na rin real estate. Kaya naman talagang karapat-dapat lang tawaging “wais na misis” ang aktres.

Nito lamang February, niregaluhan pa ni Neri ng yate si Chito para sa 46th birthday nito.

https://bandera.inquirer.net/290192/chito-muling-pinuri-ang-asawa-napakaganda-ni-neri-medyo-weird-pero-sobrang-bait

https://bandera.inquirer.net/296713/neri-may-nakakalokang-kuwento-nang-mag-dinner-date-sila-ng-asawa-haaaaaay-chito-classic-ka-talaga

https://bandera.inquirer.net/309834/hugot-ni-neri-para-kay-chito-wala-talagang-bilib-tong-asawa-ko-sa-akin-kontra-bulate-na-naman

Read more...