Aubrey super kilig pa rin sa ‘kayak’ proposal ni Troy: Sa halip na yes ang isagot ko, thank you ako nang thank you!

Troy Montero, Aubrey Miles engagement sa kayak

Troy Montero at Aubrey Miles

SA halip na “yes” ang lumabas sa kanyang bibig nang mag-propose ang dyowang si Troy Montero, “thank you” raw ang unang nasabi ni Aubrey Miles.

Sa sobrang saya at sa matinding excitement na naramdaman nang yayain na siyang magpakasal ni Troy, nalito na raw siya sa dapat niyang isagot.

Sa guesting ng aktres sa “Magandang Buhay” kamakailan, inalala niya ang mga naging kaganapan sa engagement nila ng long-time partner at tatay ng kanyang mga anak.

Aniya, halos two years daw isinikreto ni Troy ang planong proposal dahil nga sa COVID-19 pandemic.


“Naka-hold na pala for two years ng pandemic pero napi-feel ko na may mga attempt na siya.

“Parang timing lang na sabi ko, parang na feel ko tahimik siya nu’ng day na ‘yun. Nu’ng papunta na kami gusto ko mag-glass kayak, P300 lang ‘yon ‘yung pagre-rent.

“Sabi niya let’s try. So ang story, sa kayak nasa likod siya. Sabi niya, ‘I have something for you.’ Sabi ko, ‘Ano yon?’ Tapos may kinuha siyang box. Sabi ko ‘Ha?!’ ‘Sabi niya, ‘Look, look.’

“Tapos pagbukas niya sabi ko, ‘Oh my God it’s so big.’ Sabi niya, ‘Do you like it?’ ‘I like it.’ Ang tanong niya ‘Will you be my forever?’ Sabi ko, ‘Ay, thank you.’ Thank you ang una kong sinabi. ‘Oh ano?’ ‘Of course — yes!'” ang kilig na kilig pa ring pagbabahagi ni Aubrey.

“Thank you ako nang thank you instead of yes! Ha-hahaha!” chika pa niya.

Dugtong pang sey ng aktres at celebrity mom, “Alam mo akala ko sabi ko, ‘It’s okay hindi naman importante ang proposal okay lang ‘yan,’ pero iba ang feeling pala. Hindi kasi ako kilig-kilig person.”

Ibinahagi rin ni Aubrey na pinag-uusapan na nila ni Troy kung ngayong taon o sa unang bahagi ng 2023 sila magpapakasal pero ngayon pa lang ay unti-unti na nila itong inaayos.

Ikakasal na dapat sina Aubrey at Troy noong April, 2020 pero naudlot nga ito nang biglang mag-lockdown dulot ng pandemya.

May dalawa ng anak ang celebrity couple sina Hunter at Rocket habang ang panganay naman ni Aubrey na si Maurie ay anak niya sa dating nakarelasyon na si JP Obligacion.

https://bandera.inquirer.net/308843/troy-nag-propose-na-kay-aubrey-sa-bora-together-18-years-engaged-8-hoursheres-to-forever-with-you

https://bandera.inquirer.net/283569/bakit-gustung-gusto-ni-aubrey-miles-na-maging-beauty-queen-ang-anak

https://bandera.inquirer.net/308297/aubrey-miles-halos-mag-hello-ang-boobs-sa-pasabog-na-topless-photo-habang-nasa-bathtub

Read more...