Kylie inatake ng anxiety habang nasa shooting, ‘ginamot’ ng alagang aso: Canine therapy is real!

Kylie Padilla at Nami

NAKARANAS muli ng anxiety attack ang Kapuso actress na si Kylie Padilla habang nasa lock-in shoot kamakailan.

Ibinahagi ng celebrity single mom sa kanyang mga tagasuporta at social media followers ang nangyari sa kanya at kung paano siya naka-recover agad.

Sa pamamagitan ng Instagram, nag-post si Kylie kahapon, April 3, ng kanyang litrato kasama ang alagang aso na si Nami at kalakip nga nito ang mensahe sa lahat ng tumulong sa kanya para mapaglaban ang pag-atake ng kanyang anxiety.

Bukod sa mga kasamahan niya sa trabaho, todo rin ang pasasalamat niya sa kanyang pet dog na naging instant “doktor” at “gamot” para bumuti ang pakiramdam at kundisyon niya.


Talagang humiga at tumabi pa siya kay Nami sa sahig para mayakap ito, “I think naramdaman niya di ako OK. We cuddled for a bit. Humiga na ako sa tabi niya.

“I needed this moment. In love na talaga sa aso na ‘to. Canine therapy is real,” pahayag ng aktres.

Ilang celebrities ang nagkomento sa post ni Kylie, kabilang na riyan si Chynna Ortaleza na nagsabing, “So happy to hear that production is hugging you through this.”

Comment naman ni Carla Abellana, “Thank God production is ready to catch you. And yes, Canine Therapy is real.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ng anxiety si Kylie. Mula pa noong magkaroon ng pandemya ay madalas daw siyang nakakaramdam ng lungkot at takot, lalo na kapag naiisip niya ang kanyang mga anak (kay Aljur Abrenica).

Ilang beses na ring nagpahayag ng suporta at pakikisimpatya si Kylie sa lahat ng mga may mental health problem, kabilang na sa mga nanay na tulad niyang may mga pinagdaraanan.

“If there is anything I have learned from my journey, it is to be kind to yourself and to let yourself feel the emotions you need to feel to ultimately heal,” ang isa sa mga post ng aktres sa Instagram.

“It is having the courage to know nothing is perfect and that forgiveness is one of the most powerful things you’ll ever learn.

“Take it easy. Your journey is your own. Your little triumphs matter, even no one is watching. Big HUG,” mensahe pa ng Kapuso star.

https://bandera.inquirer.net/288821/kylie-padilla-nagpatutsada-tungkol-sa-sumpa-may-hugot-sa-isyu-ng-pera

https://bandera.inquirer.net/297004/heart-evangelista-humingi-ng-tulong-para-makita-ang-nawawalang-aso-p50k-reward-para-sa-makakahanap

https://bandera.inquirer.net/280617/bakit-takot-na-takot-si-mariel-rodriguez-sa-mga-aso

Read more...