NI-LIKE at pinusuan ng mga KathNiel fans ang paandar na birthday greeting ni Daniel Padilla para sa kanyang girlfriend na si Kathryn Bernardo.
Bukod nga sa pasabog na impromptu performance ni DJ para sa ika-26 kaarawan ni Kathryn na ginanap last week sa isang island resort sa El Nido, Palawan, may ipinost pa ang binata para iparamdam ang pagmamahal sa dalaga.
Sa bagong Instagram post ng Kapamilya actor at singer, ginamit niya ang ilang lyrics mula sa hit song ng bandang Green Day na “Last Night On Earth” na sumikat noong 2009.
Dito, ibinahagi rin ni Daniel ang ilang bonding moments nila ni Kathryn these past few years kabilang na ang ganap sa pagbabakasyon nila sa Japan, Rome at Iceland.
Narito ang ipinost ni DJ sa IG bilang caption at pagbati na rin para kay Kath.
“I text a postcard sent to you
“Did it go through?
“Sending all my love to you
“You are the moonlight of my life
“Every night
“Giving all my love to you
“My beating heart belongs to you
“I walked for miles ’til I found you
“I’m here to honor you
“If I lose everything in the fire
“I’m sending all my love to you
“Happy Birthday.”
Nauna rito, hiniling ni Kathryn para sa kanyang birthday na sana’y makasama niya nang mahabang-mahabang panahon ang mga taong pinagkakatiwalaan at nirerespeto niya mula noon hanggang ngayon.
“Sobra lang siguro akong grateful sa lahat ng nangyayari and sa mga taong nakapaligid sa akin so siguro ‘yung wish ko is sana magtuluy-tuloy na ‘yung mga taong nakapaligid sa akin, alam mo iyon, ‘yung totoo and mga tao na malalapitan ko in good and bad times,” pahayag ng dalaga.
Wish din niya ang magandang kalusugan ng kanyang pamilya, “Of course more than anything ‘yung health ko and ng family ko.
“I hope maging maayos na ang lahat and sana maging maganda lang ‘yung energy, yung good energy ma-protect ko ‘yun throughout the year in the coming years.
“That’s very important. ‘Yun ang natutunan ko na at the end of the day, you have to be happy emotionally and dapat ‘yun na-aaffect kasi lahat so I want to protect that energy,” sey pa ni Kathryn.
In fairness, talagang pinag-usapan din ang sexy pictorial ng dalaga para sa isang magazine kung saan ibinandera niya ang kanyang napakaseksing katawan suot ang iba’t ibang swimsuit bikini.
“My experience, well hindi joke kasi ang tagal kong hindi nag-cover and we really wanted to make it special so we travelled for five hours para makapunta dito sa La Union and it’s really worth it.
“Nakisama ‘yung sunset and all the layouts, we’re really happy,” kuwento ni Kath.
Chika pa niya, “Excited lang ako kasi this will be part of my birthday celebration as I turn 26 and first time ko na mag-shoot ng medyo sexy, medyo woman na.
“Something new and I think ang ganda lang lahat ng nangyari ‘yun, kasi the weather, the theme naging maayos. So I’m really excited for you guys to see it,” sey pa niya.
https://bandera.inquirer.net/290776/daniel-aminadong-nagkamali-noon-kay-kathryn
https://bandera.inquirer.net/290330/angel-humirit-tungkol-sa-pagpapakasal-ni-kathryn-dimples-may-warning-sa-kathniel-wedding
https://bandera.inquirer.net/289002/sanya-lopez-inaming-ideal-man-si-daniel-padilla