Angel mas na-excite magbuntis dahil kay Anne: Kapag nagkaroon ako ng anak, gusto ko hands-on mom din ako

Angel Locsin at Anne Curtis

BUMUHOS ang positive at inspiring comments sa social media para kay Ang Loscin nang aminin nito ang tunay na rason kung bakit hindi pa siya pwedeng magbuntis sa ngayon.

Nangako ang kanyang mga fans at socmed followers na ipagdarasal siya at hihilinging sana’y bumuti na ang kanyang health condition para masimulan na nila ni Neil Arce ang kanilang pregnancy journey.

Sa latest YouTube vlog ni Ogie Diaz, inamin ni Angel na meron siyang thyroid problem, “Wala talaga sa plano namin ‘yun plus meron din kaming konting tough issues na kailangang ayusin because I have a thyroid problem kasi.

“I have Hashimoto’s disease, autoimmune disease siya sa thyroid but under control naman siya, under medication ako. Kapag okay na siya at saka pa lang mag-baby,” pahayag ng TV host actress.

Ayon sa isang health website ang Hashimoto’s disease ay isang, “autoimmune disease wherein the immune system turns against the body’s own tissues. In people with Hashimoto’s, the immune system attacks the thyroid.”

Nabanggit din ni Angel na hindi naman sila nagmamadaling magkaroon ng anak, “Pero okay kami kasi plano naman talaga namin, chill kami.

“At saka honestly wala pa kaming honeymoon kasi di ba nag-pandemic so nakulong kami, ‘yung kasal namin sa garden lang, di ba? Hindi pa talaga kami nakapag-explore, mag-travel so ang dami pa naming nilu-look forward,” aniya pa.

Sa tanong kung hindi ba siya nakakaramdam ng pressure ngayong buntis na ang kaibigan niyang si Angelica Panganiban, idagdag pa na pregnant uli ang isa pa niyang BFF na si Dimples Romana.

“I’m so happy for them, alam mo ‘yun? Ang tagal nilang hinintay ‘yun. Pinagplanuhan nila ‘yun talaga and darating din tayo diyan.


“Happy din ako na wala pa ako sa ganu’ng posisyon sa totoo lang, di ba? Kapag oras mo na talaga, pag tingin ni Lord na you’re ready bibigyan ka naman niya ng blessing eh. Alam niyang hindi pa ngayon so kahit kami hindi pa ngayon. Kumbaga moment pa nila ‘yun, ‘wag muna ako,” katwiran pa ni Angel.

Pero aminado rin ang aktres na mas nai-inspire at nae-excite na siyang maging mommy nang dahil sa mga kaibigan niyang celebrity moms, kabilang na sina Dimples at Anne Curtis.

“Alam mo ‘yun, nag-i-imagine ka na, parang pag nakikita mo si Anne na sobrang hands-on mom niya kasi talaga na kapag nagkaroon ako ng anak, gusto ko rin na hands-on mom ako. Parang nag-i-imagine ka lang sa future. Pero hindi pa, hindi pa sa ngayon,” aniya pa.

Samantala, may mensahe naman si Angel sa mga body shamers na nanlalait sa katawan niya, “I am acknowledging yes malaki ako. Eh ano naman ngayon? Bakit may kawalan ba?

“Minsan kung makalait pa ‘yung iba, tinitingnan ko ‘yung profile picture, ‘excuse me naman sa ‘yo.’ Minsan mapapa-smile na lang ako na okay ouch, nahiritan ako pero pagtingin ko sa profile pic, okay lang,” lahad ni Angel.

Tungkol naman sa ginagawa niyang pagpapapayat, “I’m trying but I am not trying my best. I don’t really care. I’m Angel Locsin. Na-develop ko ‘yung sarili ko nang kung ano man ako ngayon. I really don’t care.”

Dagdag pa niya, “What I mean is I don’t care kung ano ang opinyon ng ibang tao. Okay ako eh. Ganda ko sa paningin ng asawa ko. I mean darating din tayo diyan.

“Kung papayat ka papayat ka. But it’s not an issue. Parang ang pagiging Angel Locsin ko ay hindi nasusukat kung gaano ako kabigat. Alam ko ang dami kong na-prove sa sarili ko sa ibang tao. So okay na ako don. Bahala na kung ano ang sasabihin. Okay lang. Wala po akong pakialam,” diin pa niya.

https://bandera.inquirer.net/285388/alex-gonzaga-gusto-nang-magbuntis-at-maging-mommy-pero

https://bandera.inquirer.net/286083/jessy-handang-handa-nang-magbuntis-gusto-talaga-ni-luis-2-or-3-kids

https://bandera.inquirer.net/292555/true-ba-yen-santos-may-non-showbiz-boyfriend-daw

Read more...