Diego Loyzaga nabiktima ng scammer: Itinakbo ang pera ko, I lost big time!

Diego Loyzaga

NABIKTIMA rin pala ng scam ang hunk actor na si Diego Loyzaga kung saan nawalang parang bula ang perang kanyang napanalunan sa isang game show.

Naikuwento ng aktor ang tungkol dito nang mapag-usapan sa virtual mediacon ng latest movie niyang “Greed” ang kanyang karakter na naging ganid matapos maka-jackpot sa lotto.

Sabi ni Diego, napakasakim ng mga taong nanloloko ng kanilang kapwa na nasisiliaw sa kinang ng salapi.

Kuwento ni Diego tungkol sa pang-i-scam sa kanya, “Okay, I acquired some money which I won. Ang ginawa ko, instead of keeping it, I invested it somewhere else, thinking na lalaki yung pera.

“What happened was I was scammed. They ran away with my money. So sadly, that’s really greed,” lahad pa ng binata.


Inamin din ng aktor na naranasan na rin niyang manalo ng napakalaking halaga noon, “I did, quite a large amount before. Honestly, to be honest, of course, I wanted to keep some amount for me.

“But the most of it talaga, I was supposed to give it to somebody else. What happened was, I invested the money thinking that it would be smarter, after a long period of time, lalaki siya.

“More for me and more also for that person I want to be given. E, ang nangyari, na-scam ako.

“I guess, du’n siguro talaga umiral si greed and in that scenario, I lost. I lost big time,” sabi pa niya.

Kung may aral daw siyang natutunan sa nangyari sa kanya noon at sa pelikula nila ni Nadine Lustre na “Greed” mula sa Viva Films, yan ay ang maging kuntento kung ano ang meron ka ngayon.

“If I did win a lotto again, I know I’ll keep it and give it to the person. Keep my percent and that’s it.

“Sometimes, you know, the contentment. Yun na nga e, you were given something, biyaya na iyon ng Diyos. Tapos, hindi pa rin siya sapat sa ‘yo. You want more and that’s greed and you lose,” katwiran ng binata.

Samantala, sinagot din ni Diego ang tanong kung naniniwala siya sa kasabihan na ang perang galing sa sugal ay may kakambal daw na malas o sumpa.

“Easy come, easy go kasi ‘yan.They won and then, ‘O sige, isusugal ko ulit everything,’ and then they lose it.

“Parang when money comes easily, it’s not that important to you. Ang dali lang pumasok. You spend it also in the same sense na parang wala lang siya.

“And I guess, greediness from me comes when it’s unappreciated, when it’s not that important, you always want more.

“Kung may raket ka at mababa ang bigay sa ‘yo, sana mas malaki. Then, what will happen is, hindi matutuloy yung raket.

“Kasi yung hinihingi mong budget was too big and you end up losing the whole thing, entirely. I guess that’s greed,” sabi pa niya.

Napapanood na ngayon ang latest suspense-thriller ng Viva Films sa Vivamax na idinirek ni Yam Laranas.

https://bandera.inquirer.net/307382/nadine-lustre-puring-puri-ni-yam-laranas-bilang-aktres-masunurin-siyang-artista-i-like-that

https://bandera.inquirer.net/295802/bitoy-kasambahay-nabiktima-ng-online-scammer-kapag-hindi-nyo-in-order-just-say-no

https://bandera.inquirer.net/295144/lassy-feeling-nanalo-sa-lotto-nang-halikan-sa-dibdib-si-kit-pero-nakakatakot-baka-sapakin-ako

Read more...