Carlo sa posibleng pagbabalikan nila ni Trina: Kung anong ibigay ng universe, siyempre yun ang nakasulat sa palad natin!

Carlo Aquino, Trina Candaza at Baby Mithi

Carlo Aquino, Trina Candaza at Baby Mithi

MAY chance pa na magkaayos at magkabalikan ang dating magdyowa na sina Carlo Aquino at Trina Candaza.

Mismong ang Kapamilya actor na ang nagsabi na hindi niya isinasara ang kanyang isip at puso sa posibleng pagbabalikan nila ng nanay ng anak niyang super cute na si Baby Mithi.

Balitang naghiwalay na sina Carlo at Trina dahil hindi na raw sila nagkakasundo sa maraming bagay. Lumipat na sa ibang bahay ang vlogger kasama ang anak nila ng aktor na one year and six months old na ngayon.

Nakachikahan namin si Carlo nitong nagdaang March 30, bago pa magsimula ang mediacon at celebrity screening para sa bago niyang serye sa ABS-CBN, ang “How To Move On In 30 Days” at dito nga siya nagkuwento tungkol sa kanyang personal life.

Tanong kay Carlo, posible bang maging present at future niya ang isang tao mula sa kanyang past, “Hindi ko alam, e, ayoko na munang magsalita nang tapos.

“Kung ano yung ibigay ng universe, ng tadhana, siyempre tatanggapin mo yun kasi wala ka namang magagawa. Yun ang nakasulat sa palad mo, e,” aniya.

Ito naman ang sagot ni Carlo nang tanungin kung kumusta siya ngayon, “Inaalagaan ko lang siguro yung present para yung past hindi na mag-catch up sa future. Kung ano yung mga mali noon, ayusin mo na muna.”

Nabanggit din ni Carlo na maayos ang co-patenting status nila ni Trina para sa anak nila ni Trina, “Oo, civil naman kami. Yun naman yung importante kasi siyempre para kay Mithi.”

Para sa Kapamilya actor, iba ang saya na ibinibigay sa kanya ng pagiging isang ama.

Ani Carlo, “Masarap, ang sarap lang na iba pa palang pagmamahal na hindi ko pa alam. Ang sarap lang na yun pinagtatrabahuan mo ay hindi lang para sa iyo, para sa anak mo, e.

“Saka ang sarap talagang amuyin. Minsan natutulog sa akin, kahit na awkward ang position mo, di ka gagalaw.


“Kahit two hours, tatlong oras kang nakahiga, ngawit na ngawit ka na, hindi mo maramdaman yung kamay mo, basta hindi lang magising ang anak mo.”

Kuwento pa niya, “Pag uuwi ako ng lock-in, maglalaro lang kami sa playroom, yung dollhouse na ibinigay ng sister ko para sa kanya.

“Tapos minsan nag-a-out of town, nandun sa farm. Sa Tanay, malamig, masarap, kasi sobrang init.”

Tinitiyak naman daw ni Carlo na hindi siya basta nakikipagkita sa anak kapag galing siya sa gathering.

“Katulad ngayon may event, medyo exposed, maghihintay ako ng one week.

“Pero nakakatuwa kasi nandito na naman uli tayo after two years na nandun lang tayo sa maliit na laptop,” sabi ng Kapamilya actor.

Sinagot din ng aktor ang tanong kung paano niya hina-handle ang mga bashers na bumabanat sa kanya pagdating sa issue ng kanyang pakikipagrelasyon.

“Wala kasi akong magagawa sa opinyon ng ibang tao towards sa akin. Kung ano ang nakikita nila, at least transparent ako na pag kasama ko ang anak ko, ang saya ko.

“Hindi naman puwede na, ano sa bahay lang ako? Palagi akong lugmok? Siyempre nalulungkot ako. Ano, ibi-video, i-IG stories ko na malungkot ako?

“Hindi rin maganda kung mangyayari yun at may masasabi at masasabi yung mga tao na hindi ka kilala at hindi ka mahal,” pahayag ng aktor.

Samantala, natanong din si Carlo kung gaano sila katagal maka-move sa isang breakup, “Hindi ko alam, e. Dapat ba may timeline? Wala yatang timeline kapag ganu’n, e. Kung kailan yung pakiramdam ng buong pagkatao mo na okay na, so ayun siguro.”

Masaya naman daw ang buhay niya ngayon pero hindi diretsahang nabanggit ang paghihiwalay nila ni Trina, ang nanay ng kanyang anak na si Baby Mithi.

Sa pagkukuwento ni Carlo, mukhang maayos din ang co-parenting set-up nila ni Trina. May mga araw talaga na nakakasama niya ang anak para makapag-bonding sila nang bonggang-bongga.

Ito naman ang sagot ni Carlo nang tanungin kung paano ba siya nagmu-move on, “Spend time with friends. Nature, punta sa dagat, sa bundok.

“Kuwento nang kuwento sa mga kaibigan hanggang manabang sila. Pero hindi naman importante na sila ‘yung manabang, kasi kailangan ‘yung sakit mo ‘yung manabang. So ikukuwento mo pa rin kahit ayaw na nila, hanggang sa mawala na ‘yun,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/309562/carlo-sa-pagmu-move-on-walang-timeline-proseso-yan-hanggang-sa-mawala-na-lang-ok-next

https://bandera.inquirer.net/304349/trina-candaza-iniwan-na-ang-bahay-nila-ni-carlo-lumipat-sa-condo-kasama-ang-anak

https://bandera.inquirer.net/304252/xian-gaza-kay-angelica-panganiban-ikaw-po-ba-yung-pinuntahan-ni-carlo-aquino

Read more...