Angel Locsin walang pakialam sa mga pumapansin sa kanyang katawan: May kawalan ba?

Angel Locsin walang pakialam sa mga pumapansin sa kanyang katawan: May kawalan ba?

NAKAPANAYAM ng talent manager na si Ogie Diaz ang aktres at philanthropist na si Angel Locsin sa kanyang YouTube channel.

Dito ay muling nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa na magkakwentuhan at magbaliktanaw sa ilang mga pangyayari sa buhay ng aktres.

Isa na nga sa napag-usapan nila ay ang mga bashers ni Angel.

Matatandaang nag-viral noon ang aktres matapos pansinin ng mga netizens ang na nadagdagan ang kanyang timbang.

“I’m acknowledging. Yes, malaki ako. Eh ano naman ngayon? Bakit? may kawalan ba?” diretsahang saad ni Angel.

Minsan nga raw ay kung sino pa ang nanglalait at pumupuna sa kanyang figure ay sila pa ang mas kalait-lait.

“Minsan kung makalait pa yung iba, tinitignan ko pa yung profile picture, ‘Excuse me naman sayo ha!'” pagpapatuloy ni Angel.

Dito ay naitanong naman ni Ogie kung nagpapapayat nga ba si Angel.

“I’m trying but I’m not trying my best. I don’t really care.

“I’m Angel Locsin. Na-develop ko yung sarili ko nang kung ano man ako ngayon. I don’t really care,” sagot ng aktres.

 

 

Aniya, wala na siyang pakialam kung ano man ang opinyon ng ibang tao patungkol sa kanya.

“Okay ako eh. Ang ganda ko sa paningin ng asawa ko. Darating din tayo diyan, kung papayat ka, papayat ka, but it’s not an issue.

“Ang pagiging Angel Locsin ko ay hindi nasusukat kung gaano ako kabigat. Alam ko ang dami kong na-prove sa sarili ko, sa ibang tao.” pagdidin ng aktres.

Dagdag pa niya, okay na siya sa parte na ‘yun at wala na siyang pakialam kung ano pa man ang sabihin o ibato sa kanya ng ibang tao.

Hindi naman na talaga kailangan pang patunayan ni Angel ang kanyang sarili dahil bukod sa kanyang mga achievements sa showbiz industry ay napakarami na rin ng nagawa ng aktres para magpaabot ng tulong sa mga kababayang nangangailangan.

Isa siya sa mga madalas magpaabot ng saklolo sa mga tao lalo na sa tuwing may bagyo o sakuna na nangyayari sa bansa maging noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Sa katunayan, napabilang pa nga si Angel sa 13th annual Heroes of Philanthropy list ng Forbes Asia noong 2019.

 

Related Chika:
Angel muling pinatunayan na love na love talaga si Kris, personal na tsinek ang kundisyon ng BFF

Angel Locsin pumalag sa netizen na nang-redtag sa kanya

Angel handa nang magka-baby: Hindi naman basketball team, mga isa o dalawa pwede na

Read more...