Hyun Bin, Son Ye Jin ikinasal na!

Hyun Bin, Son Ye Jin ikinasal na!

VAST Entertainment, MSTeam/Instagram

IKINASAL na ang mga bida ng Korean series na “Crash Landing On You” na sina Hyun Bin st Son Ye Jin ngayong araw.

Inilabas na rin ng kanilang agencies na VAST Entertainment at MSTeam ang mga larawan ng kasal ng dalawa.

Naging pribado ang wedding ceremony nina Hyun Bin at Son Ye Jin para na rin makapag-ingat sila sa banta ng nakahahawang sakit na COVID-19.

Naglabas rin ng statement ang kanilang agencies patungkol sa kasal ng dalawa.

“Actors Son Ye Jin and Hyun Bin are holding their wedding ceremony today, taking their first step as a married couple. The ceremony will be private in consideration of the situation with COVID-19, so we ask for your generous understanding. We are sharing the news with their wedding photos instead,” saad ng kanilang agencies.

 

 

Dagdag pa nito, “We express deep gratitude for the many blessings and warm support sent for their new beginning. Actors Hyun Bin and Son Ye Jin along with their agencies will continue to put in full effort to give back for the love received.”

Matatandaang nitong Pebrero 2022 nang ibahagi ng dalawa ang kanilang wedding plans sa pamamagitan ng pagpo-post ni Son Ye Jin ng isang maliit na wedding dress sa kanyang Instagram account samantalang isang handwritten note naman ang ginawa ni Hyun Bin na ibinahagi ng kanyang agency.

Nagkakilala at nagka-developan ang dalawa sa hit Korean series ng Netflix na “Crash Landing On You” na ipinalabas bago pa ang nangyaring COVID-19 pandemic na talaga namang nagpakilig sa mga Pilipinong nakapanood nito.

 

Related Chika:
Son Ye Jin aminadong si Hyun Bin ang kanyang first love

Hyun Bin, Son Ye Jin ng ‘Crash Landing On You’ ikakasal na

Seo Ji-hye at Kim Jung-hyun ng CLOY, nagdi-date nga ba?

Read more...