Dingdong maibibigay na ang bonggang health package para sa mga miyembro ng AKTOR PH

Dingdong Dantes

Dingdong Dantes

MAY good news ang Kapuso Primetime King para sa mga taga-showbiz na miyembro ng AKTOR PH League of Filipino Actors.

Makalipas nga ang dalawang taon matapos maitatag ang AKTOR PH, matutupad na rin ng presidente nitong si Dingdong ang kanilang pangarap na mabigyan ng mas malawak na health care program ang kanilang mga members.

Ayon sa Kapuso TV host-actor, sa wakas, maisasakatuparan na rin nila ang isa sa pinaka-priority ng kanilang grupo — at yan ay ang  “comprehensive health protection under its Platinum Membership Plan.”

Bilang bahagi ng 48th anniversary celebration ng Movie Workers Welfare Foundation (Mowelfund), pumirma na nga si Dingdong ng kasunduan kasama ang mga opisyal ng Mowelfund na pinangungunahan ni Boots Anson-Rodrigo at ng incumbent president nitong si Rez Cortez para sa nasabing proyektong ito ng AKTOR PH.

“Healthcare ang pinakamahalagang isinusulong ng aming organisasyon after all that has happened and still happening sa COVID-19 pandemic,” ang bahagi ng pahayag ni Dingdong matapos ang MOA signing na ginanap sa Mowelfund office sa Quezon City.

Ayon pa sa asawa ni Marian Rivera, ang nasabing comprehensive health protection plan “guarantees increased benefits and insurance for film workers.”


“Importante ang kalusugan dahil na rin sa nature ng ating trabaho. Dahil sa partnership nito, mabibigyan na natin ng magandang package ang hanay natin,” pahayag pa ni Dong.

Inihalimbawa pa ni Dingdong ang nangyari sa kanyang 103-year old na lola na hanggang ngayon ay covered ng hospitalization benefits bilang isang widow ng World War II veteran.

“Lahat ng care nabigay sa kanya, pati yung nangyaring aksidente sa kanya (nahulog). Nagawa ito because she’s entitled to it, pati sa mga anak niya! So sana all para sa ating lahat!” kuwento ng aktor.

Kabilang sa mga kasapi ng AKTOR PH sina Agot Isidro, Andoy Ranay, Angeli Bayani, Angelica Panganiban, Carlo Gonzalez, Cherry Pie Picache, Dingdong Dantes, DMs Boongaling, Gabbi Garcia at Gabby Eigenmann.

Nandiyan din ang mga members na sina Gabby Padilla, Gio Alvarez, Glaiza de Castro, Iza Calzado, Janine Gutierrez, Jasmine Curtis Smith, Joel Lamangan, Joel Saracho, Joel Torre, Joem Bascon, Richard Gutierrez, Michael de Mesa at marami pang iba.

https://bandera.inquirer.net/303733/dingdong-pamilya-nakipaglaban-din-sa-covid-19-na-survive-namin-ito-dahil-sa-mga-ayuda-ninyo

https://bandera.inquirer.net/281488/ex-loveteam-hindi-na-package-deal-sa-mga-tv-commercial-pero-aktor-swerte-pa-rin

https://bandera.inquirer.net/294372/binibining-pilipinas-may-pasaring-sa-miss-universe-ph-2021-winner

Read more...