NAGKAIYAKAN sina Angelica Panganiban at Gregg Homan nang una nilang malaman na very, very soon ay magiging mommy at daddy na sila.
Talagang nagkagulatan daw sila ng kanyang boyfriend dahil ibinalita sa kanya na nagdadalang-tao na siya sa hindi inaasahang pagkakataon.
“Nalaman ko siya sa hindi namin ini-expect na pagkakataon. Nalaman ko siya sa trabaho. Mag-i-start na ako ng lock-in para sa ‘My Papa Pi,’ kasama si Papa Pi (Piolo Pascual). And then delayed lang talaga ‘yung period ko.
“So kailangan ko lang talaga mag-rule out, hindi na ako mapakali. Ayon kay Google ‘yun na lang ang hindi ko chini-check.
“So sa isip-isip ko naman parang imposible kasi we’ve been trying kaya lang lagi namang negative ‘yung result. So parang ayaw ko na ma-heartbroken. So parang ‘hindi feeling ko darating ‘yung period ko,'” simulang kuwento ng Kapamilya actress sa panayam ng “Inside News” ng Star Magic.
Pag-amin ni Angge, “Litung-lito ‘yung pagkatao ko na parang ‘di ko mayakap ang mga taong gusto kong yakapin. Parang wait lang sino kayo? Litung-lito talaga ako.
“Siyempre gusto ko puntahan ang mama ko, gusto ko siyempre makasama ang partner ko, na kami ang magse-celebrate, kami ang magkasamang pupunta sa hospital, kami ang magpapa-check up together. Talagang ang weird nang naramdaman ko.
“Talagang nag-earthquake ang katawan ko, nanginginig ang kamay ko. Then nagpa-panic na ako, kasi ‘di ko talaga alam ang gagawin ko,” chika pa ng aktres.
“Ganu’n pala siya, pinag-pray mo, ang tagal mong hinintay, nung dumating parang nakakagulat pa rin. Parang wait, ready ba ako? Parang stop the car, ano ang nangyayari?
“Gusto mong i-check ang sarili mo kung handa ka, kung talaga ba ngayon ibinigay sa ganitong situation? Pero siyempre all good, lahat. Lahat nang nararamdaman mo is positive, lahat masaya. May konting kaba, pero alam mo naman na kaya.
“Sabi nga nila kung walang kaba sino ka para ‘di kabahan, ang galing-galing mo naman para ‘di matakot sa bagong journey na ‘yan. So lahat naman winelcome ko, lahat ng emotions in-entertain ko, ninamnam ko kumbaga,” tuluy-tuloy pang kuwento ni Angelica.
At sa puntong ito, naichika nga ng aktres ang crying scene nila ni Gregg nang ibalita na niya ang kanyang pagbubuntis
“Hindi na kami nagkaintindihan, nag-iyakan na kaming dalawa. Tapos pinapaulit niya sa akin ‘yung test. Sabi niya ‘ulitin mo, ulitin mo.’ Sabi ko ‘hindi ito parang COVID na may false positive.
“Kapag nag-positive ka, positive ka na.’ So siya ‘yung nagpa-panic kasi ang layo ko. Nasa Subic siya, nasa Antipolo ako so parang gusto niya akong puntahan. ‘Di pwede naka-bubble ako, naka-RT-PCR kami lahat dito, mahirap.’
“Talagang ang hirap ng mga unang oras namin. So parang gusto kong tumakas, gusto ko talaga umalis. Gusto mo yakapin ang person na ‘yon, pero wait, hintayin natin,” pag-alala pa niya.
Naging challenge rin daw para sa kanya ang unang tatlong buwan ng kanyang pagbubuntis, “Medyo mahirap siya dahil hindi ko talaga naiintindihan nangyayari sa katawan ko.
“Suka, iiyak, tatawan, mainit ang ulo. Para akong kinikiliti. Konting bagay na makita ko, pinagtatawanan ko ang babaw-babaw ng lahat. Lahat naaamoy mo, totoo pala ‘yon. Lahat naririnig mo, konting galaw, ramdam mo.
“Well, ini-enjoy ko lang talaga dahil ang tagal ko itong hinintay. Lahat ng mga kaibigan ko kapag may nabubuntis, ako ‘yung mahilig mag-interview kung ano ang pakiramdam ganyan.
“Tapos naa-amaze lang ako sa pagiging babae, parang ‘wow ang galing, mararamdaman ko kaya yan?’ So nu’ng dumating siya parang kahit mahirap ang pagsusuka, ini-enjoy ko lang. ‘Ah ganoon pala yon, ah totoo pala, akala n’o kayo lang ha!'” natatawa pang chika ni Angelica.
https://bandera.inquirer.net/300253/angelica-sa-mga-babaeng-iniwan-mahalin-ang-sarili-at-dapat-alam-nyo-ang-mga-karapatan-nyo
https://bandera.inquirer.net/307335/angelica-magiging-nanay-na-raw-buntis-na-sa-panganay-nila-ng-non-showbiz-dyowa
https://bandera.inquirer.net/299401/angelica-nagsisi-nang-ayawan-ang-four-sisters-and-a-wedding-hindi-ko-pa-rin-siya-pinapanood