Gretchen handang ilantad ang ebidensya laban kay Bato tungkol sa e-sabong; senador rumesbak

Bato dela Rosa at Gretchen Barretto

Bato dela Rosa at Gretchen Barretto

HINDI nagpasindak si Gretchen Barretto sa mga naging pahayag ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa tungkol sa mas lalo pang umiinit na isyu sa e-sabong.

Bumuwelta kasi ang senador at dating chief ng Philippine National Police sa mga akusasyon ni Greta laban sa kanya kasabay ng hamon na maglabas ito ng ebidensya na tumatalpak siya o tumataya siya sa sabong.

Si Dela Rosa kasi ang chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na nag-iimbestiga sa kontrobersyal na kaso ng mga nawawalang sabungero.

At isa sa mga resource person na ipinatawag ng komite ni Dela Rosa sa Senado ay si Atong Ang dahil sa sabong arena nito umano huling nakita ang ilan sa mga nawawalang sabungero.

Si Atong ang may-ari ng Lucky 8 Star Quest Inc., ang gaming firm ng e-sabong operations na kumikita umano ng “P60 billion” kada buwan.

Si Gretchen naman ay miyembro umano ng Team Alpha ng Pitmaster group, na konektado raw sa Lucky 8 Star Quest at alam naman ng lahat na magkaibigan at business partnera sila ni Atong Ang.

Kamakalawa ng gabi, March 29, ipinost ni Gretchen sa kanyang social media account ang screenshot ng balita tungkol sa mga pinagsasabi ni Dela Rosa laban sa kanya.

Kuha ito sa interview kay Bato ng SMNI News, ang news program ng pag-aaring network ni Pastor Apollo Quiboloy.

Ang hamon ni Gretchen sa senador,  “I am very willing to present evidence to you of my so called accusations Bato dela rosa. In front of media (praying hands emoji) Time & place? Hurry pls (praying hands pls).”

Mapapanood sa interview ng SMNI ang mga naging sagot ni Dela Rosa sa mga naging banat ni Greta hinggil sa isinagawang Senate hearing sa Senado hinggil sa e-sabong.

Sa nasabing hearing, maririnig sa Instagram Story ni Gretchen ang, “Get down to business, Bato. Stop grandstanding. Just get down to the investigation.”

Dagdag banat pa ng aktres habang naka-focus ang camera sa mukha ni Dela Rosa sa livestreaming ng Senate hearing, “Ang mahal ng relo ni Bato. Saan kaya nanggaling? My God! A senator has that much! Oh my gosh.”

Rumesbak naman ang senador kay Greta sa panayam sa kanya ng SMNI News, “Yung unang-una sabi niya mahal daw yung relo ko. Bakit siya lang ba may karapatan na magsuot ng P85K na halaga ng Tag Heuer na relo?

“Bakit hindi pala ako puwede? Mahal talaga yun para sa akin, pero sa kanila, ewan ko kung talagang totoong mahal sa kanila,” ang sabi pa ng dating PNP Chief.

Matapang pang patutsada ni Gretchen, “How did Bato ever become a senator? Tignan mo ang line of questioning niya. Kailangan talaga lawyer ang mga nakaupo.

“People, vote wisely. Don’t vote a Bato! My gosh! Dapat sa ‘yo game show,” pang-aasar pa nito sa senador.

Depensa naman ni Bato, “You cannot attack a person through issues, you attack him through his character, so character assassination yung ginagawa nila.

“Character assassination ang ginagawa nila sa akin, para lang to get back with me. Dahil hirap sila lumusot sa issues na kinaroonan nila,” aniya pa.

Sinagot din ng senador ang akusasyon ni Gretchen na tumatalpak siya o tumataya sa sabong at may “balance” pa umano  sa isang personalidad na may ugnayan sa World Pitmasters Cup.

Sago ni Bato, “Sabi niya meron daw akong utang sa… sabi niya may balance daw ako? Paano ako magkaka-balance? Never man akong nagsugal.

“Never man akong nagsasabong. Never in my life. Kahit once na, nag-bet ako sa sabong, never nangyari sa buhay ko,” paglilinaw pa ng senador.

Samantala, nang balikan namin ang post ni Greta sa Instagram ay hindi na ito makita dahil naka-private na ang kanyang account.

https://bandera.inquirer.net/306523/claudine-proud-sister-ni-gretchen-you-my-ate-is-the-queen-of-peoples-hearts

https://bandera.inquirer.net/308627/angel-ipinasa-na-ang-bato-ni-darna-kay-vp-leni-nung-nagsisigaw-ako-sabi-ng-asawa-ko-tama-na-tama-na
https://bandera.inquirer.net/309353/mike-enriquez-awang-awa-sa-mga-mahihirap-na-nagda-dialysis-dahil-sa-sakit-sa-bato-nangako-ng-tulong

Read more...