KZ Tandingan super lucky kay TJ Monterde, may asawa na may ‘driver’ pa: Minsan naaawa na rin ako sa kanya kasi…

KZ Tandingan at TJ Monterde

KZ Tandingan at TJ Monterde

ABOT-LANGIT ang pasasalamat ng Asia’s Soul Supreme na si KZ Tandingan dahil sa todo-todong suportang ibinibigay sa kanya ng asawang si TJ Monterde pagdating sa kanyang career.

Ayon sa Kapamilya singer at songwriter, mula nang maging mag-asawa sila ni TJ sa gitna ng pandenya ay wala pa silang naging major-major problems o challenges.

Kilig na kilig nga si KZ nang kumustahin namin ang kanyang married life sa event ng Cornerstone Entertainment para sa bagong reality talent search na “Top Class: The Rise to P-Pop Stardom.”

Dito ipinakilala siya bilang isa sa mga vocal mentor ng “Top Class” kung saan 30 students na mga aspiring P-pop idols ang tuturuan at iga-guide niya sa kabuuan ng contest.


Sabi ni KZ abour her marriage, “Sobra pong masaya kasi despite ng pinagdaraanan nating pandemya, talagang nakasuporta po ang husband ko sa akin.

“Sabi nga niya, sa hierarchy of priorities niya ngayon after we got married number 2 ang career niya as a musician, number one ang pagiging driver niya sa akin,” tumatawang chika ng award-winning singer.

“Tapos talagang gumigising siya nang maaga para maipag-drive niya lang ako, ihahatid at susunduin niya ako kahit anong oras. Kaya minsan naaawa na rin ako kasi siyempre may trabaho rin siya.

“TJ is also one of the most talented male artist dito sa Philippines pero driver ko siya, kapag kailangan niyang mag-meeting for work hindi na siya uma-attend kasi hinihintay niya ako kaya sobra ko pong naa-appreciate ang husband ko.

“I’m very thankful that we got married during the pandemic kasi yung sitwasyon namin hindi siya masyadong naging mahirap o nakakatakot it’s because nandu’n po siya sa tabi ko,” papuri pa ni KZ kay TJ.
Samantala, magkahalong nerbiyos, pressure ang nararamdaman ni KZ bilang vocal mentor ng “Top Class: The Rise to P-Pop Stardom.” Pero super saya rin niya na makakasama siya sa bagong proyekto ng Cornerstone ni Erickson Raymundo.

“I’m very happy, very excited and at the same time may pressured din siyempre ‘di ba it’s a huge responsibility na maging mentor sa 30 students na magiging part ng ‘Top Class.’

“Pero I’m just very excited,” tuloy-tuloy na sabi nito nang matanong namin sa feeling nito na isa siya sa vocal mentor,” aniya.

Ang “Top Class: The Rise to P-Pop Stardom” ay handog ng Kumu, TV5, at Cornerstone Entertainment. At dahil vocal mentor si KZ, ano ba ang hinahanap niya para sa isang estudyante?

“Number one siguro is, siguro ode, but I think the most important but not the most important is a student with the right attitude. Because I believe that your talent will get you up there, but your attitude will make you stay there (up).

“Mas gusto kong katrabaho ang mga artist na alam nilang hindi pa sila ganoon kagaling but they are willing to work and willing to learn at ‘yung open minded sa lahat ng mga bagay na pwede pa nilang matutuhan.

“Number two kailangan aside from having a good attitude towards their craft and attitude, siguro ‘yung kailangan they put in the hard work. Dapat talaga kapag pumasok sa ‘Top Class’ alam mo na marami kang isasakripisyo, marami kang gagawin just to get you to the top and for you to learn,” pahayag pa ng singer.

Ano naman ang feeling na kung dati ay siya ang “hinuhusgahan” sa pagsali sa mga talent search pero ngayon ay siya na ang magdya-judge?


“Masaya kasi literal na I’ve been in their shoes. Medyo alam ko ‘yung pagdaraanan nila. I know how it’s gonna feel kapag andoon na sila sa rigorous na mangyayari sa competition.

“But I am very excited at andito lang ako to guide them to inspire them, to remind them na magiging mahirap ang journey na ito pero it’s worth,” pahayag ni KZ kasabay ng pagsasabing sobra siyang nakaka-relate sa mga sasabak sa Top Class.

“Kasi literal na I skip my exam para lang pumila sa ‘X-Factor’ dati simula 7:00 a.m. hanggang 8:00 p.m.. Kaya literal na pinagdaanan ko ‘yung proseso na ‘yun up to very the last day ng ‘X Factor’,” dagdag ni KZ.

Natanong din si KZ kung anong klaseng mentor ba siya, “I know I’m gonna be strict kasi siyempre hindi rin ako matututo ng ganito kung naging complacent lang din ‘yung mga taong nag-mentor sa akin in the past.

“Like what they did to me, I’m going to make sure na it’s fun kasi mas maa-absorb mo ‘yung mga bagay  na gusto mong matutuhan kapag masaya ‘yung manner ng pagtuturo sa iyo.

“So, I will going to work hard to make this fun and I will be strict. Kahi sasabihin kong I will be nice, yes I will be nice but I will also be strict,” aniya pa.

Samantala, nagaganap na ang auditions ng “Top Class” at ito’y mananatiling bukas hanggang April 20, 2022. Para sa edisyong ito, magiging bukas lamang ang auditions para sa mga kalalakihan na may edad 16-26.

Makikita ang detalyadong mechanics ng auditions sa mga social media account ng Top Class at kakailanganing i-accomplish ng mga gustong mag-aplay ang steps na nakalista sa Kumu Channel ng Top Class.

Ang “Top Class” ay isang kakaibang kolaborasyon ng Pinoy entertainment powerhouse: Kumu, Cignal Entertainment, TV5, at Cornerstone Entertainment. Ang palabas ay iho-host ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.
https://bandera.inquirer.net/290881/hugot-ni-kz-kay-tj-akala-ko-sobrang-mahal-ko-na-siya-pero-everyday-he-proves-me-wrong

https://bandera.inquirer.net/298460/sanaall-regine-niregaluhan-ng-bonggang-diamond-ring-si-kz-tandingan
https://bandera.inquirer.net/298162/kz-tandingan-spotted-sa-new-york-times-square-billboard

Read more...