COOL na cool na sinagot ng Kapamilya actress na si Nikki Valdez ang mga bashers na nangnega sa bago niyang Instagram post tungkol sa pinaninindigan niyang political stand.
Naikuwento kasi ni Nikki ang naging usapan nila ng isang delivery rider na tulad niya ay isa ring proud Kakampink o tagasuporta ng presidential candidate na si Vice President Leni Robredo.
Ibinahagi ng aktres sa IG nitong nagdaang Lunes, March 28, ang pakikipag-usap niya sa delivery rider.
Sabi ni Nikki, “Starting my week right!!!
“KUYA RIDER: ‘Ma’am, delivery/pick up po!’
“ME: ‘Kuya, di ka mawawala. Yung bahay namin yung mukhang #KulayRosasAngBukas at #HelloPagkainGoodbyeGutom.’
“KUYA RIDER: ‘Ay okay po Ma’am kita ko na.’
“ME: ‘Salamat ng marami kuya. Nandyan din ang TRoPang Angat para kumpleto na listahan mo at mapag aralan silang mabuti.’”
Mensahe pa ni Nikki sa kanyang IG followers, “42 days to go!!!! Halika na’t kumausap para maraming mamulat sa isang #GobyernongTapatAngatBuhayLAHAT!!”
Kasunod nito, tulad ng inaasahan pinutakti ng mga negatibong komento ang post ng aktres kung saan ibinandera nga ng mga ito ang mga sinusuportahan nilang kandidato.
Kaya ang pakiusap ni Nikki, “Sa mga nagcomment or magcocomment dito sa post ko ng napupusuan nilang iboboto, tanungin po natin ang mga sarili natin BAKIT SIYA ang gusto natin?
“Wag po tayong maging mapangutya dahil lang iba ang napupusuan niyo sa napupusuan ko. Give yourself the chance to think twice before commenting.
“Let’s be good to each other. Subukang maging peaceful ang pangangatwiran. Di naman natin kailangan mag away away.
“I would love to hear your points regarding your choice of candidate,” ang mahinahong pahayag ni Nikki.
Dagdag pa niya, “Lahat tayo gusto ng magandang kinabukasan at mas magandang Pilipinas kaya huwag natin sayangin ang boto itong darating na eleksiyon.”
https://bandera.inquirer.net/283828/hiling-ni-nikki-valdez-mabibiyayaan-pa-ng-1-anak
https://bandera.inquirer.net/283463/nikki-tinulungan-ng-abs-cbn-para-mapag-aral-ang-anak-nagpasalamat-kay-wenn-deramas
https://bandera.inquirer.net/307573/bianca-nikki-ogie-nanindigang-hindi-lang-pera-pera-ang-politika