Carlo Aquino muling naka-bonding ang anak: Pagmamahal na habang buhay…

Carlo Aquino, Trina Candaza at Baby Mithi

Carlo Aquino, Trina Candaza at Baby Mithi

MAMAYANG gabi na ang advance screening at face-to-face mediacon ng YouTube series na “How to Move On in 30 Days” sa ABS-CBN Dolphy Theater.

Ito’y pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Maris Racal mula sa direksyon ni Benedict Mique handog ng ABS CBN Entertainment at Dreamscape Entertainment.

Sa ibinigay na imbitasyon para sa mga dadalong miyembro ng entertainment media ay hindi sigurado kung dadalo si Carlo dahil may nakalagay na, “to be confirmed.”

Duda namin ay baka hindi dumating ang aktor dahil ayaw niyang matanong tungkol sa nangyari sa kanila ng nanay ng kanyang anak na si Trina Candaza na relate sa titulo ng series na “How to Move On in 30 Days.”


Isa si Carlo sa mga celebrities na ayaw pinag-uusapan ang tungkol sa personal niyang buhay kaya lagi itong umiiwas at kung hindi kami nagkakamali kapag hindi siya dumating mamaya sa mediacon ay ikalawang beses na niya itong lumiban dahil nauna na ang finale presscon ng “La Vida Lena” na pinagbidahan ni Erich Gonzales.

Anyway, may post si Carlo ng larawan nila ng anak na si Mithi nitong Martes ng gabi na ang caption ay, “Pagmamahal na habang buhay.”

Base sa larawan ay tila nasa isang farm sina Carlo at Mithi na ang ganda-ganda ng ngiti ng bagets.

Sabi nga ng isang supporter ng aktor na may IG account name na @carloholix_official, “Father&daughter sweet moments.”

Gayun din ang sinabi ni @jhanedbmariano, “Sweet naman.. great to see you together. Mithi and Daddy.”

Umaasa naman si @sugarxai na magkakabalikan pa rin sina Carlo at Trina, “Nakakamiss makita kayong dalawa… Still hoping na next post nyo tatlo na kayo, normal lang nmn ang tampuhan sa relasyon.”

Kung ibabase ang post na ito ni Carlo na ka-bonding ang anak ay malamang nagpaalam siya sa production na hindi dadalo sa “How to Move On in 30 Days” mediacon dahil nga ito lang ang oras niya para kay Mithi dahil matagal na nasa lock-in shoot ang aktor.

Anyway, mapapanood na ang series nina Carlo at Maris sa YouTube simula sa Abril 4.

https://bandera.inquirer.net/304240/carlo-aquino-trina-candaza-hiwalay-na-nga-ba

https://bandera.inquirer.net/283393/kilalang-aktor-nambara-sa-presscon-napikon-sa-mga-tanong

https://bandera.inquirer.net/280859/julia-sa-mga-babaeng-may-natitipuhang-lalaki-i-dont-mind-if-a-girl-makes-the-first-move

Read more...