Hinaing ng ama ni Ana kay Kit: Hindi ko maisip na ganyan niya susuklian ang pagmamahal ng anak ko, halos mamatay na, e!

Kit Thompson, Ana Jalandoni at Lawrence Jalandoni

Kit Thompson, Ana Jalandoni at Lawrence Jalandoni

MASAMANG-MASAMA ang loob at pigil na pigil ang pag-iyak ng tatay ni Ana Jalandoni nang magsalita tungkol sa sinapit ng anak sa kamay ng boyfriend nitong si Kit Thompson.

Bukod sa kanya at sa kapatid na si Marie Jalandoni, humarap din ang ama niyang si Lawrence Jalandoni sa naganap na presscon kamakalawa. Kasama rin nina Ana ang kanyang mga legal counsel.

Ayon kay Mang Lawrence, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa umanong bugbugin ni Kit si Ana kaya napakasakit daw nito sa kanya bilang ama.

“Hindi ko inasahan na mangyayari ‘yung ganyan. Kilalang-kilala ko ang anak ko, eh. Although four months pa lang sila, kitang-kita ko ‘yung pagmamahal ng anak ko sa kanya. Ipinakita niya kung gaano niya kamahal,” simulang pahayag ng tatay ng sexy star.

“Pero ‘yung dumating ang ganyang sitwasyon, hindi ko maisip na ganyan pala niya susuklian ang anak ko. Halos mamatay na, e,” sabi pa ni Mang Lawrence.

Pagpapatuloy pa niya, “Siguro naman hindi naman lingid sa inyong lahat na lahat tayo, mga magulang din tayo, alam natin kung gaano kasakit pag nasasaktan ang mga anak natin lalu pa at ganyan ang inabot.”


Ipinagdiinan pa niya na ilalaban talaga nila hanggang sa hulo ang mga kasong isinampa laban kay Kit para magbayad kung sino talaga ang may kasalanan.

“Kaya itong pagharap namin sa inyo, talagang ilalaban namin ‘yan hanggang matapos iyan para mapatunayan namin na kung ano ang para sa anak ko na katarungan na hinahangad namin,” sabi pa ni Mang Lawrence.

Nauna nang sinabi ni Ana na sariwang-sariwa pa rin sa isip niya ang pambubugbog sa kanya umano ni Kit nu’ng gabing yun, “Masakit po…Hindi ko po masabi…hindi ko po kayang maikuwento lahat…nasaktan po ako. Hindi ko po kaya.

“Sabihin ko nalang po ’yong nararamdaman ko…masakit po ’yong pinagdaanan ko dahil hindi ko po nakita na mangyayari sa akin ’yong ginawa sa akin ng mahal ko.

“Wala pong babae na gustong masakatan no’ng dinanas ko. Marami po akong dinaanan sa buhay ko na tinanggap ko pero ’yong nangyari sa akin na huli, hindi ko po alam ’yon kung kakayanin ko,” aniya pa habang humahagulgol.

Siniguro rin ng legal team ni Ana sa pangunguna ni Atty. Faye Singson na gagawin nila ang lahat para mabigyan ng hustisya ang nangyari sa biktima.

https://bandera.inquirer.net/309322/kit-pinagbantaan-daw-ang-buhay-ni-ana-sabi-niya-akin-ka-lang-hindi-ka-pwedeng-mapunta-sa-iba-akin-ka-lang

https://bandera.inquirer.net/308787/ana-jalandoni-naididilat-na-ang-mata-matapos-mabugbog-binura-na-ang-mga-litrato-ni-kit-sa-ig

https://bandera.inquirer.net/308540/kit-thompson-mahal-pa-rin-daw-ni-ana-jalandoni-pero-mapatawad-pa-kaya-ang-nakakulong-na-dyowa

Read more...