Claudine naiyak sa paggunita ng death anniversary ni Rico Yan; personal na inimbita ng ina ng yumaong aktor

Rico Yan, Claudine Barretto at Teresita Castro-Yan

Rico Yan, Claudine Barretto at Teresita Castro-Yan

MARAMING natuwa at na-touch nang mapanood ang isang video sa YouTube kung saan nagkasama ang nanay ng yumaong aktor na si Rico Yan at ang aktres na si Claudine Barretto.

Nangyari ito sa paggunita ng ika-20 anibersaryo ng kamatayan ni Rico kahapon, March 28, sa Manila Memorial Park, Parañaque City na dinaluhan ng kanyang pamilya kabilang na riyan si Mrs. Teresita Castro-Yan.

Namatay si Rico noong March 29, 2002 sa edad na 27, habang nagbabakasyon sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa, Palawan.

Balitang mismong ang nanay ng namayapang aktor ang nag-imbita kay Claudine kaya naman tuwang-tuwa rin ang mga fans na naki-join din sa paggunita sa death anniversary ni Rico.

Base sa napanood naming video, talagang naluha si Claudine nang marinig ang mensahe ni Mrs. Teresita.

Paulit-ulit ang pasasalamat ng nanay ni Rico sa lahat ng taong patuloy na nagmamahal at hindi nakalilimot sa namayapa niyang anak.

“Tinatanong ni Bobby (Yan, kapatid ni Rico) sa akin, sabi niya, ‘How do you process the fact that Rico has been gone for 20 years?’


“Sabi ko, ‘You know, I think I’m in a very unusual place, a very privileged place, because Rico is gone but people still love him.’

“I guess, you cannot find anybody who’s in that place because I have friends who have lost their children. But that’s it, they lost their children.

“Pero si Rico, buhay, buhay, buhay wherever I go, whether it’s here, whether it’s in the States… wherever I go,” pahayag ng ginang.

Patuloy pa niya, “I know people who still love Rico and I am very, very grateful for that.

“Kaya even if he’s gone, of course we miss him, that’s natural, but I think he lives in your hearts, he lives in our hearts and, of course, in Claudine’s heart,” paliwanag pa niya.

Naging emosyonal naman si Claudine nang sabihin na ni Mrs. Teresita ang rason kung bakit makalipas ang dalawang dekada ay inimbitahan siya nito sa death anniversary ni Rico.

Sabi ng ginang, “I decided to invite Claudine after twenty years. She’s been part of Rico. Rico loved her. She loves Rico. That won’t change.

“So, after 20 years, that’s it, so now let’s celebrate that, not only the 20th death anniversary of Rico but with Claudine by my side,” sabi pa ni nanay ni Rico.

Niyakap naman agad ni Claudine si Mrs. Yan pagkatapos nitong magbigay ng mensahe. “Salamat sa pagpunta ninyong lahat. Thank you Tita for inviting me.

“Rico is so happy right now, sobrang saya niya. Isa lang talaga yung hinihingi ko, 20 years ago, na huwag natin siyang kalimutan. Pero ginawa niyo talaga so thank you so much,” pahayag pa ni Claudine.
https://bandera.inquirer.net/297849/claudine-barretto-ipinakita-sa-publiko-ang-love-letter-ni-rico-yan-para-sa-kanya

https://bandera.inquirer.net/284984/paolo-nakatanggap-ng-pamana-mula-sa-yumaong-bokalista-ng-slapshock

https://bandera.inquirer.net/280047/si-maris-racal-nga-ba-ang-nagparamdam-kay-rico-blanco

Read more...