Willie may polyps sa colon at tiyan, humiling ng dasal: Sabi ng doktor kapag nalamang cancerous, kailangang operahan | Bandera

Willie may polyps sa colon at tiyan, humiling ng dasal: Sabi ng doktor kapag nalamang cancerous, kailangang operahan

Reggee Bonoan - March 28, 2022 - 10:46 AM

Willie Revillame humiling ng dasal para sa kanyang kalusugan

Willie Revillame

HUMIHILING ng panalangin ang “Wowowin” host na si Willie Revillame sa publiko kaugnay ng kanyang health condition ngayon.

Sana raw ay ipagdasal siya na maging benign ang mga polyps na nakita sa katawan niya matapos magpa-executive check-up nitong nagdaang Huwebes, Marso 24.

Nabanggit ni Willie na dapat pala ay hindi siya magla-live sa programa niyang “Wowowin:Tutok to Win” nu’ng Huwebes na napapanood sa YouTube channel at FB Live.

Aniya, “Kagagaling ko lang sa ospital at nagpa-executive check-up para malaman n’yo, so dapat hindi kami magla-live pero sabi ko kailangang mag-live kasi pangako natin ‘yan.

“Actually ho, sa totoo lang medyo meron akong stapler kaya hindi ako makasayaw, hindi ako makakanta, nagkaroon ako ng colonoscopy, endoscopy, sa heart lahat. Hindi naman malungkot kaya lang medyo siyempre may konting worries ka.

“May nakitang polyps sa akin, dalawa. Isa sa colon, medyo matagal na akong nakikitaan ng polyps at isa naman po sa stomach. Medyo one centimeter sa stomach.

“Medyo…sana ‘wag naman, e, prone yata ito sa cancer but anyway, malalaman ko sa Monday (ngayong araw) kung magiging positive po ako sa cancer or not.

“Ang usapan namin ng mga doktor sabi ko, ‘doc, you have to be honest with me kung ano ba dapat gawin?’ (sagot ng doktor kay Willie), ‘E, ‘wag mo isipin ‘yun, you pray, magdasal ka.’ Anyway, sa Monday ko malalaman.

“Pag wala po ako sa Monday, ibig sabihin ako po ay nagpa-confine, sabi nila puputulin ‘yung intestine at tatahiin. Sana ‘wag naman, pero ‘yun ang dapat gawin.

“Sana po ipagdasal n’yo ako na maging negative naman. Sa Monday medyo mabigat, malungkot ako dahil nagulat ako when I talk to Dra. Cervantes.

“Nakakita kasi sila ng polyps na white-white. Medyo maba-bother ka pala pag ganu’n ‘no?

“Medyo nagulat din ako kasi two years ako hindi nagpa-executive check-up because of the pandemic. Dati noong 2019, may mga nakitang polyps pero benign naman ho, e, hindi naman cancerous, pero itong ngayon, medyo kinakabahan ako,” pahayag ni Willie.

Dalawang linggo hanggang isang buwang mawawala ang “Wowowin” host kapag hindi maganda ang resultang malalaman niya ngayong araw.

“Sabi ng doktor kapag nalaman na cancerous, Tuesday puwede na raw nila akong operahan. Sana ‘wag naman. Masakit,” pahayag ni Willie.

At kapag okay naman ang resulta ng mga medical test niya ay magla-live siya kahit naka-confine sa ospital.

https://bandera.inquirer.net/300521/yassi-pressman-rumesbak-sa-body-shamers-umaming-tumaba-love-yourself

https://bandera.inquirer.net/286550/richard-umaming-medyo-istriktong-tatay-kay-juliana-pero-ayoko-namang-kinatatakutan-niya-ako

https://bandera.inquirer.net/282903/heart-binalaan-ang-publiko-laban-sa-sinungaling-na-doktor-netizen-pinayuhang-magdemanda

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending