JC de Vera sa pagiging Kapamilya: Naging actor ako, ‘yun ang pinakamasarap sa pakiramdam

JC de Vera

JC de Vera

“PARA akong estudyante na pumapasok pa rin sa school, na marami pa rin akong natututunan.”

Ito ang ginawang paglalarawan ni JC de Vera sa naging journey niya mula nang magtrabaho siya sa ABS-CBN at maging certified Kapamilya.

Ayon kay JC, sa ABS-CBN din niya na-feel ang pagiging tunay na aktor matapos makagawa ng mga award-winning projects kung saan nakasama niya ang ilan sa pinakamagagaling na artista sa bansa.

Ilan sa mga hindi malilimutang teleserye ni JC sa ABS-CBN ay ang “Legal Wife,” Moon of Desire,” The General’s Daughter,” at ang katatapos lang na “La Vida Lena.”

Matatandaang lumipat si JC sa Kapamilya network noong 2013 matapos ang ilang taon ng pagiging Kapuso.

At isa nga sa mga ipinagpapasalamat niya mula nang tumuntong siya sa bakuran ng ABS-CBN ay, “Naging actor ako. ‘Yun talaga ‘yung pinakamasarap sa pakiramdam ng isang artist, ‘yung matawag siyang isang aktor.”

“Sa sobrang daming challenges na obinigay sa akin ng ABS-CBN, natawag ko ‘yung sarili ko na versatile actor kasi nga lahat ng challenges na ibinabato sa ’kin talagang sinusubukan kong gawin,” dagdag ng celebrity daddy.

Aniya pa, kahit na halos isang dekada na siya sa Kapamilya network ay patuloy pa rin siyang natututo, lalo na sa mga nakakasama niyang veteran stars.


“Para akong estudyante na alam mo ‘yun pumapasok pa rin ako sa school, na marami pa rin akong natututunan.

“Masayang-masaya ako dahil very inspired pa rin ako, very motivated. Ang dami kong taong nakilala na nagbibigay inspirasyon sa ’kin dito. Sobrang saya, sobrang fulfilling,” sabi ni JC.

Samantala, nang tanungin kung anu-ano pang roles ang nais niyang gampananan sa mga susunod niyang proyekto, “Hindi ko talaga maisip kung ano pa pero nagtitiwala talaga ako sa ABS-CBN na maibibigay nila sa akin kung saan talaga ako nababagay at kung ano ‘yung kaya kong gawin.

“Kasi sila ‘yung mas nakakakita nun eh, ‘yung skills. ‘yung acting. Mas sila ‘yung na ‘ah, dito bagay si JC’ alam nila na kaya niya ‘tong gawin.

“That keeps me motivated and inspired dahil hindi lahat ng actors nabibigyan ng ganoong opportunity na makapag-portray ng iba’t ibang roles and isa ako sa mga actors na ‘yun kaya I’m really really grateful sa ABS-CBN kasi nga na-mold nila ako as an actor, naipapakita ko talaga kung ano ‘yung kaya ko,” tugon ng aktor.

Dugtong pa niya, “I know na hindi rito matatapos ‘yung pagbibigay nila ng different challenges and I’m looking forward to it.”

https://bandera.inquirer.net/309020/jc-de-vera-biglang-napaiyak-matapos-mag-renew-ng-kontrata-sa-abs-cbn-wow-answered-prayer
https://bandera.inquirer.net/304722/100-loyal-at-faithful-ako-sa-mga-taong-pagbibigyan-ko-ng-pagmamahal

https://bandera.inquirer.net/287305/jc-hirap-na-hirap-magpaalam-sa-pamilya-pag-magtatrabaho-carlo-sinusulit-ang-bawat-oras-sa-pamilya

Read more...