Albie, Shanaia, Jordan, Karen solid pa rin ang samahan kahit tapos na ang PBB: ‘Sila ang totoo at mapagkakatiwalaan’

Jordan Andrews, Karen Bordador, Shanaia Gomez at Albie Casino

Jordan Andrews, Karen Bordador, Shanaia Gomez at Albie Casino

ISANG tunay na pamilya ang natagpuan ng apat na Kapamilya stars matapos silang magsama-sama sa celebrity edition ng “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.”

Kahit nakalabas na sila ng Bahay ni Kuya ay napanatili pa rin nina Albie Casino, Shanaia Gomez, Jordan Andrews at Karen Bordador ang kanilang pagkakaibigang nabuo sa “PBB.”

Naniniwala ang apat na talagang may “magic” ang Bahay ni Kuya at kahit ilang linggo lamang silang nagkasama-sama roon ay talagang na-feel nila ang pagmamahal at pagiging totoo ng isa’t isa.

Sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay” nagkuwento ang mga celebrity housemates tungkol sa kanilang friendship at kung paano nabuo ang kanilang samahan.

“I think doon lang sa bahay ni Kuya, there’s an effect. Like kapag kayo-kayo ‘yung nandoon, you will just gravitate towards each other. And these people are real. Sila po talaga ‘yung mapagkakatiwalaan,” ang pahayag ni Karen.


Madalas din daw silang nagba-bonding sa bahay ni Albie kapag wala silang pinagkakaabalahan.

“Feeling ko kaya rin kami naging super close kasi kami ‘yung laging magkasama talaga kapag nag-aaya, eh. May ibang sumasama rin pero itong apat ‘yung sure ‘okay sige tara,'” pagbabahagi ni Albie.

Kuwento naman nina Shanaia at Jordan, naging close sila dahil na rin sa mga naging bonding moments nila sa loob ng Bahay ni Kuya.

“Maraming times we can share as a group, pero the one-on-one conversations that we had for each other doon talaga kami nag-bond.

“At na-realize na we just came out of a pandemic, this is so important to us, the fact that we are in a house and we can talk to each other without social distancing.

“Big things that used to be issues before became small things ngayon na magkasama kam,” chika ni Jordan.

“Iba talaga ‘yung bond,” sey naman ni Shanaia.

At in fairness nga, kitang-kita ang kanilang pagiging close nang sumabak ang apat na dating celebrity housemates sa “positive nomination” na ginawa ng “Magandang Buhay” kung saan ibinandera nila ang mga good qualities ng isa’t isa bilang kaibigan.

https://bandera.inquirer.net/303032/albie-sa-relasyon-nila-ni-shanaia-wala-pa-akong-oras-para-sa-lovelife-but-i-definitely-like-her

https://bandera.inquirer.net/299988/albie-isa-lang-ang-naging-bet-sa-pbb-female-housemates-si-shanaia-lang-talaga

https://bandera.inquirer.net/300536/albie-casino-inaya-si-shanaia-gomez-sa-isang-date

Read more...