Hugot ni Herbert matapos patutsadahan ni Kris: ‘Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng burger’

Herbert Bautista at Kris Aquino

Herbert Bautista at Kris Aquino

MUKHANG wala nang balak sagutin o palakihin pa ni senatorial candidate Herbert Bautista ang mga pinagsasabi ni Kris Aquino laban sa kanya nang sumama sa kampanya ni Vice President Leni Robredo.

Sa pamamagitan lamang ng isang meme nireplayan ni dating Quezon City Mayor Herbert ang kanyang sagot sa mga patutsada ng kanyang ex-girlfriend sa harap ng mga taga-Tarlac.

Nitong nagdaang March 24, nag-post sa kanyang official Facebook page si Bistek ng kanyang litrato kasama si presidential aspirant at  former senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. habang nasa isang campaign rally.

Makikita sa photo si Bongbong na tila may ibinubulong kay Herbert at may nakasulat na, “SABI NGA NI VP INDAY SARA, PAG BINATO KA NG BATO, BATUHIN MO NG BURGER.”

Tumatakbo namang vice president si Davao City Mayor Sara Duterte ng UniTeam at ka-tandem nga ni Bongbong. At ang dialogue lagi ng alkalde kapag kina-cancel o binabato sila ng masasakit na salita ng haters ay batuhin na lang ng burger.

Ang caption ni Herbert sa nasabing post, “Thank you po sa advice, Mr. President!”

Pagkatapos nito ay hindi na naglabas pa ng official statement si Bistek hinggil sa issue. Marahil ay mas ginusto na lamang niya ang manahimik para huwag nang lumaki ang issue.

Agaw-eksena si Kris sa grand proclamation rally ni VP Leni na ginanap sa Tarlac City last Wednesday night, March 23, kung saan nakasama niya on stage ang isa sa mga BFF niya sa showbiz na si Angel Locsin.

Nagsimulang humugot si Kris tungkol sa pakikipagrelasyon nang ikumpara ni Angel ang mga kakampinks sa isang karelasyon na talagang maaasahan sa anumang oras.

Sey ni Angel, “Kahit umuulan, uma-attend. Rain or shine, walang excuse, lumalabas. Kasi yun naman gusto natin sa isang tao, di po ba?

“Kapag hahanap ka ng kaibigan, karelasyon, kailangan laging nandyan para sa iyo, hindi tuwing eleksyon lang,” pahayag ng TV host-actress.

Dito na nga sumingit si Kris at nag-dialogue ng, “Gel, pinatatamaan mo ata ako diyan. Aray. Ouch.” Na sinagot ni Angel ng, “Ate, palagi ka lumalabas tuwing may sakuna kagaya ni VP Leni.”

Paglilinaw naman ni Kris, “Hindi, yung sinabi mo, may karelasyon.” Tila nagulat naman si Angel sa sinabi ni Kris, “Nandito ba siya?”

Sagot ni Tetay, “Yung isa nasa Uniteam, yung ex.”

Hirit pa niya, “O, wag niyo iboto yun, ha. Sayang ang boto dahil di marunong tumupad sa mga pinangako. Deadma please.”

Walang binanggit na pangalan si  Kris pero naniniwal ang lahat na si Bistek nga ang pinatutungkulan niya na kasama sa Uniteam.

Kasunod nito, nagpatutsada naman ang rumored girlfriend ni Bistek na si Ruffa Gutierrez sa pamamagitan ng kanyang Instagram at Twitter account.

Sey ni Ruffa sa caption, “Good morning beautiful people! Be kind to everyone, including your ex.”

https://bandera.inquirer.net/293642/hugot-ni-isko-opo-lumaki-akong-busabos-ngunit-hindi-ako-naging-bastos

https://bandera.inquirer.net/291895/jinkee-mas-piniling-patawarin-ang-mga-kaaway-be-free-from-prison-of-bitterness

https://bandera.inquirer.net/305293/first-lady-nina-gabby-at-sanya-hindi-lang-basta-pa-cute-pakilig-its-no-joke-to-be-the-presidents-wife

Read more...