SABOG na sabog ang isang netizen sa ginawang pagtatanggol ng Kapamilya young singer-actor sa kanyang special friend na si Alexa Ilacad.
Hindi pinalampas ng binata ang panlalait ng nasabing Twitter user kay Alexa na walang takot na ikinumpara ang dalaga sa tangke ng gasul.
Nag-post ang netizen ng litrato ni Alexa sa Twitter katabi ang isang Gasul tank at nilagyan niya ito ng caption na, “Gasul ka ghorl @alexailaxad.”
At nang mabasa nga ito ng dating “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” housemate agad niyang sinupalpal ang basher at binanatan din ang itsura nito, “Kapal ng mukha neto ganda ka?”
Narito ang ilang comments ng mga supporters nina Alexa at KD.
“Shuta baka talampakan ka lang ni Alexa…duhhh di bale ng mataba maganda naman, bawing bawi na sa face, kesa naman payat nga dami naman tigidig sa mukha.”
“BODY SHAMING is making negative comments to HUMILIATE another person’s body weight, size or appearance. Children or teens who experience this, may develop SEVERE EMOTIONAL TRAUMA growing up.”
“NO TO BODY SHAMING AND CYBER-BULLYING! NO TO YOU.”
“PSST, RESPETO. BODY SHAMING is making negative comments to HUMILIATE another person’s body weight, size or appearance. Children or teens who experience this, may develop SEVERE EMOTIONAL TRAUMA growing up. NO TO BODY SHAMING AND CYBER-BULLYING! NO TO YOU.”
Hindi naman pinatulan ni Alexa ang pamba-bash ng netizen sa kanya at hinayaan na lamang niya na ang kanyang mga social media followers ang nagtanggol sa kanya
Matatandaang naging close sina KD at Akexa nang maging celebrity housemates sa “PBB 10” at paglabas nga nila sa Bahay ni Kuya ay nabuo ang KDLex love team na isa ngayon sa pinakamasikat na young Kapamilya loveteam ngayon.
https://bandera.inquirer.net/309104/alexa-ilacad-tinawag-na-gasul-ng-laiterang-basher-kd-estrada-to-the-rescue
https://bandera.inquirer.net/303670/alexa-ilacad-tinutukso-sa-3-lalaki-ang-ganda-ko-di-ba-ang-haba-ng-hair-ko
https://bandera.inquirer.net/301481/alexa-ilacad-kd-estrada-goodbye-na-rin-sa-pbb-10-madam-inutz-brenda-mage-pasok-sa-top-5