Kyline sumabak sa ‘Divisoria Shopping Challenge’ para sa mga batang may cancer: These kids are fighters!

Kyline Alcantara

Kyline Alcantara

ANIM na batang may cancer na nasa pangangalaga ng Child Haus Foundation ang napasaya ng Kapuso actress-singer at TV host na si Kyline Alcantara.

Sa pamamagitan ng isang bongga at exciting na challenge, nabigyan ng mga regalo ang mga bagets na sina Quincy, Princess, Lorraine, Arvin, Carlo at MJ na patuloy na nakikipaglaban sa kanilang mga karamdaman.

Sa isang ulat ng GMA, ipinakita ang game na game na pagsabak ni Kyline sa “Divisoria Shopping Challenge” para mapasaya ang mga batang may cancer ng Child Haus Foundation.


Naganap ang challenge na ipinagawa sa rumored girlfriend ni Mavy Legaspi sa 168 mall kung saan nag-shopping siya ng mga damit na ireregalo niya sa mga bata.

Bukod sa pamimili, si Kyline na rin ang nagbalot ng mga regalo kaya naman super happy siya at nabigyan ng pagkakataong mapasaya ang ilang bata sa CHF.

Samantala, ayon sa Kapuso actress, habang nagsa-shopping ay naalala niya ang inang nagbebenta rin noon ng mga damit, bags, bedsheets, alahas at marami pang iba.

“Nu’ng last time na andito kami, namili kami ng mga ibebenta niya. Kasi mahilig talagang magbenta si Mama ng mga bed sheet, bag at alahas din naman. Grabe! Iba talaga kumayod si Mama. Saludo talaga ako kay Mama,” pahayag ng dalaga.

Halos maluha naman ang young actress nang mapanood ang video kung saan nagbigay ng mensahe ang mga batang nakatanggap sa mga pinamili niya sa mall.

“Ang sarap sa pakiramdam na kahit paano nabigyan ko sila ng kahit kaunting ngiti sa kanilang magaganda at mga gwapong mukha,” simulang pahayag ng dalaga.

Aniya pa, “I hope ako sana ‘yung nagbigay sa kanila mismo ng mga regalo ko sa kanila but unfortunately because of what’s happening around the world right now hindi ko po magagawa ‘yun.

“But I hope soon mami-meet ko na rin sila because I just love doing charities and putting smiles sa mga tao na katulad nila,” mensahe pa ni Kyline.

“These kids are fighters, they’re fighting cancers, and I’m really, really proud of them. Sana sa gagawin natin, mapasaya natin sila,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/286815/mavy-kyline-magtatambal-sa-i-left-my-heart-in-sorsogon-ex-hashtag-member-kapuso-na-rin

https://bandera.inquirer.net/305035/mavy-gumawa-ng-tula-at-kanta-para-kay-kyline-bea-kilig-na-kilig

https://bandera.inquirer.net/307867/kyline-may-3-espesyal-na-katangian-na-bet-na-bet-ni-mavy-mikael-megan-may-ipakikilalang-beauty-queen-sa-the-best-ka

Read more...