“I THINK deserve ko na po yun!” Ito ang pahayag ng Kapuso teenstar na si Jillian Ward nang matanong tungkol sa pagbili niya ng kanyang dream car sa edad na 17.
In fairness, bago pa siya mag-debut ay natupad na ang pangarap ng dalagita na magkaroon ng sasakyan na matagal na niyang pinapangarap.
Ayon kay Jillian, pagkatapos niyang makapagpundar ng sariling bahay at mga sasakyan para sa kanyang pamilya ay talagang nag-ipon siya para sa kanyang dream car — ang Porsche Boxster na nagkakahalaga raw ng P5.9 million hanggang P13 million.
Sey ng Kapuso young actress dream come true ito para sa kanya, “Ayun nga po sabi ko nga po kay Mama, 12 years na po akong artista, baby pa lang and yung mga binibili ko po dati yung mga bahay at sasakyan, puro necessities.
“Parang ngayon pong taon pinagbigyan ko po talaga yung sarili ko na bilhan ko yung sarili ko ng dream car ko.
“Kasi talagang pinagpaguran ko din naman po yun, so I think deserve ko na po yun,” pahayag ni Jillian sa virtual mediacon ng Kapuso afternoon series na “Prima Donnas” season 2.
Natanong din ang young actress at dating child star kung ano pa ang iba pa niyang dreams sa buhay, “Ayun nga po, since 12 years na rin po ako na puro baby roles po halos, gusto ko po i-try na magkaroon po ng character na mas may lalim pa po.
“Gusto ko rin pong mag-try ng mga characters na merong mental disability para po makapag-spread ng awareness.
“Or kaya mag-action, mag-comedy, gusto ko po i-try lahat po ng mga genres para po mas makapag-explore pa po ako, para mas lumawak pa po yung mga kaya kong gawin,” aniya pa.
Samantala, nang mapadako ang usapin tungkol anxiety at depression, inamin ni Jillian na hindi rin siya nakaligtas sa mga pagsubok dulot ng COVID-19 pandemic.
“Actually po, talagang naging struggle ko po iyan kasi po mga three weeks before po akong mag-taping para po sa Prima Donnas kakamatay lang po ng lola ko.
“So nagkaroon po ng anxiety, medyo… masasabi ko po, meron po akong parang symptoms of depression noon kasi nga po sobrang hirap.
“May pandemic tapos nawala pa po yung lola ko ‘tapos magla-lock in taping po ako agad-agad,” aniya pa.
Ano ang maipapayo ni Jillian sa mga tulad niyang millennials na dumadanas ng anxiety dahil sa pagkabagot dulot ng quarantine—nasa loob lamang ng bahay, hindi nakakagala o nakakapasok sa normal na eskuwelahan at palaging naka-online upang mag-aral.
Tugon niya, “Yung anxiety hindi po talaga maiiwasan iyan, e. Lalo na po ngayon pandemic and sa iba po nag-o-online class pa so talagang super- stressed po ang mga mga kabataan din po talaga so…
“So para lang po sa akin siguro talagang push lang po talaga, never give up. Kasi po kapag ikaw po nag-give up, meron ka pong mga problema mag-give up ka, parang naka-stuck ka po du’n, e.
“Huwag niyo pong hahayan na ma-stuck sila sa ganun. Talagang keep fighting and keep praying. Iyon po talaga yung maibibigay ko pong advice,” paliwanag ni Jillian.
Paano niya na-handle ang kanyang anxiety at depression? “Ngayon po, opo, parang, okay na rin po talaga ako kasi lagi po kasi akong nagdadasal.
“So para yung mga prayers ko din po nabibigay po sa akin ni Lord. And sobrang grateful ko lang din po talaga ngayon na kasama ko po yung family ko.
“Binibigyan po ako ng work ni God and ng GMA so talagang todo fight lang po talaga.
“Ngayon okay po ako and thank God okay po ako. And ayun lang po, keep fighting lang, iyon lang po talaga yung motto ko sa buhay,” sey pa ng young actress.
https://bandera.inquirer.net/297927/jillian-ward-ibinandera-ang-bagong-sasakyan-tinawag-na-next-marian-rivera
https://bandera.inquirer.net/307136/jillian-ward-ready-na-sa-mature-roles-gusto-kong-ma-try-maging-mermaid
https://bandera.inquirer.net/308688/jillian-ward-pag-aagawan-ng-2-lalaki-yes-po-at-aabot-talaga-sila-sa-pisikalan