MATINDI rin ang hirap at sakripisyo ng aktres at celebrity mom na si Neri Naig noong ipinagbubuntis niya ang ikalawang anak nila ni Chito Miranda na si Cash.
Ibang klase rin daw ang naranasan niyang paglilihi habang nagdadalang-tao sa kanilang second child.
“Siguro mas gamay na natin, mas alam na natin kapag hindi na first pero all day sickness kasi ako kay Cash. Talagang duwal.
“Yung may kakainin ka tapos naduduwal ka tapos magtu-toothbrush ka so iba din kasi may hinahanap din, gusto niya white toothpaste lang.
“Kung hindi, duwal at nakaharap na lang ako sa sink or sa inudoro. Tapos nahirapan ako kay Cash sa pagbubuntis kasi yung paglilihi ko kay Cash, hindi ko alam na buntis na pala ako nu’n. Ang dami kong lemon na pinapapak,” pahayag ni Neri sa isang panayam.
Idagdag pa riyan ang mga challenges na hinarap niya pati na ng kanyang asawa sa pagbubuntis sa gitna ng pandemya.
“Of course dahil pandemya, hirap tayo na praning pa. Lalo na si Chito, sobrang praning yan. Tipong bawal magbakasyon. Wala kaming bisita. If ever pupunta dito yung in-laws ko, RT-PCR talaga lahat.
“Pati kami, sisipunin lang siya magpapa-RT-PCR na. Sabi ko grabe ang mahal, sabi niya, ‘Hindi, kailangan ito.’
“Kasi hindi pa ako bakunado nung time na yun so nabakunahan lang ako nu’ng third trimester ko. And then two weeks before ako hiwain kasi CS ako dahil kay Miggy (panganay na anak) emergency CS ako dahil ang lalaki din nila so hindi din talaga mailalabas.
“Dalawang litro na daw ng dugo na yung nawawala sa akin so kailangan na talagang kunin. Pero nu’ng nanganak ako ang bilis, ah. Parang drive-thru na lang sa dali. Ha-hahaha!
“Kaya sabi ko, ‘Baby parang padali ng padali ah.’ Sabi niya, ‘Hindi na!’ Kasi gusto na daw niya ako ma-solo. Gusto niya makapag-travel travel kami, ganyan,” pahayag pa ni Neri.
Samantala, naikuwento rin ng aktres at negosyante ang tungkol sa buhay ng kanyang pamilya sa pag-aari nilang farm. Talaga raw nae-enjoy ng mga bagets ang outdoor activities.
“Siguro dahil nasa probinsya kami and meron kaming farm and kung anu-ano ding mga nabibili namin, hindi sila nahirapan talaga.
“Nakapagpundar kami kahit paano dahil nga madiskarte tayong mga nanay, nakakagala gala kami. So buti hindi sila naghahanap ng mall, yung mga ganyan.
“Nakakaiwas din sila sa mga gadgets. May gadgets sila kapag may school pero pagkatapos niyan, kung gusto nilang mag-swimming sa dagat or sa farm magtatatakbo takbo sila, okay naman. Nagagala namin yan.
“So sabi ni Chito buti na lang talaga nakapag-invest ng ganun, kasi dati kontra siya kasi siya si tiga-compute, ako yung pikit mata sige go! Ha-hahaha! So ngayon isa siya sa nag-e-enjoy sa katas ng mga pinaghirapan,” tuluy-tuloy pang chika ni Neri.
At siyempre, nagbigay din si Neri ng ilang tips at paalala sa lahat ng mga nanay na nais maging wais, “May checklist ako, eh. Namamalengke talaga ako so pag pupunta ako sa palengke at wala akong checklist kung anu-ano mabibili ko.
“Yun pala hindi pala yun yung iuulam. Ang ginagawa namin ni Chito kasi gusto ko siyang kasama pag nag-go-grocery, date na namin yun. Hawak hawak, kuwento kuwento, ganyan. Landian sa grocery. Ha-hahaha!
“Wala ng time kasi pag dito sa bahay nakasiksik yung mga bata di ba tapos si Miggy gusto niya makipaglaro habul-habulan.
“So may checklist ako kasi pag wala talaga kung anu-ano mabibili mo and hindi kami gutom dapat pag bumibili pag nasa grocery kasi lahat gusto mo, lahat masarap for us kapag ganu’n.
“So madiskarte or wais tips yun na date na rin pero nandudun na rin kayo sa mga errands ninyo.
“Speaking of checklist, may calendar ako kung anong gagawin ko today at mga priorities na naka-set na yan like top five para tapos na. Kasi pag wala ako nu’n, sa dami ng ating ginagawa mga mommies, maaalala pa ba natin yun?
“Meron akong notebook kasi dapat isusulat ko kasi makakalimutan ko siya. Madami ng naiturok sa atin kaya nagiging mas makakalimutin tayo,” lahad pa ng misis ni Chito.
At para iwas stress at kung anu-ano pang kanegahan ng buhay, “Meron akong day off. Minsan once a month or twice a month may day off ako. Hinihingi ko yan and nakakatuwa na nagse-step up si Chito.
“Kumbaga kung pagod na pagod ka na, maririnig ko, ‘Oh huwag niyong gigisingin si mommy.’ Yung bathtub nga namin dito once a month or minsan hindi ko pa nagagamit pero kapag sinasabi ko na magde-day off ako, maliligo lang ako, 20 minutes lang diyan tapos of course magba-bubble bath ako.
“So nakakatuwa yung mga dads at husbands natin na ina-acknowledge nila yung ginagawa natin bilang mommies,” chika pa ni Neri.
https://bandera.inquirer.net/290192/chito-muling-pinuri-ang-asawa-napakaganda-ni-neri-medyo-weird-pero-sobrang-bait
https://bandera.inquirer.net/296283/ano-ang-ginagawa-ni-chito-para-makatulong-kay-neri-sa-pag-aalaga-ng-kanilang-pamilya
https://bandera.inquirer.net/291154/lolit-solis-out-na-bilang-talent-manager-ni-mark-herras-ibinunyag-na-may-malaking-cash-advance-ang-aktor-sa-gma7