JC de Vera biglang napaiyak matapos mag-renew ng kontrata sa ABS-CBN: Wow! Answered prayer!

JC de Vera

JC de Vera

TAONG 2013 nang unang tumapak si JC de Vera sa ABS-CBN at simula noon ay hindi na siya umalis kahit may pinagdaanan ang network.

Kaya naman puring-puri siya ng mga Kapamilya boss dahil despite of what happened ay hindi siya nang-iwan at ramdam nila ang suportang ibinigay ng aktor.

Sa loob ng pitong taong pananatili sa istasyon ay ipinakita ni JC ang kanyang dedikasyon sa trabaho kaya naman sinuklian din naman ito ng ABS-CBN ng mga programang de kalikad kung saan napansin ang pagiging tunay na aktor nito.

Ang ilan sa mga programang kinabilangan ni JC ay ang “The Legal Wife,” “Moon of Desire,” “The Better Half,” “The General’s Daughter,” “Pamilya Ko,” “La Vida Lena,” “The Goodbye Girl”.

Nakapag-guest din siya sa “Maalaala Mo Kaya,” “Ipaglaban Mo,” “Wansapanataym,” at “Banana Sundae”. At heto’t kasama na rin siya sa “It’s Showtime.”

At ngayong 2022 ay isa siya sa mga Kapamilya na nag-renew ng kontrata na ginanap nitong Miyerkules na may hashtag na “#GoodJob: The Showtime Kapamilya Contract Signing 2022”.


Sa muling pagpirma ni JC ng panibagong kontrata ay kaharap niya ang bigwigs ng network tulad nina ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak, ABS-CBN chairman Mark Lopez, ABS-CBN chief operating officer of broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN entertainment production, ABS-CBN group chief financial officer Rick Tan at Star Magic head Laurenti Dyogi plus ang manager ng aktor na si Leo Dominguez.

Ayon kay JC, “First of all gusto kong magpasalamat sa ABS-CBN for always giving opportunity sa akin sa mga boss na nandito ngayon, maraming-maraming salamat for trusting and believing in me.”

Inalala rin ng aktor ang nangyaring hindi maganda sa Kapamilya network two years ago nang hindi i-renew ng Kongreso ang prangkisa nito na dahilan ng pagkakatanggal sa mahigit 11,000 empleyado na nasabay pa sa COVID 19 pandemic.

“Sa lahat ng nangyari for the past few years (naluluha na), ahhm, nakakaiyak naman Sir (garalgal na ang boses).

“Ahh, marami tayong pinagdaanang challenges (sabay punas ng mata).  Naiyak ako hindi ko masabi,” tumatawang sambit ng aktor.

“Kasi di ba, these past three years di ba everyone went through a lot.  Napanood ko lahat ng bawa’t hakbang na ginawa ng network at sinubaybayan ko rin ‘yung pinagdaanan ng lahat ang hirap, masakit, nakakalugmok pero nanatili ako na hopeful and alam mo na I’m proud sa sarili ko lumalaban din ako na kasama nila.

“I remain faithful and loyal to them kasi nakita ko kung paano nila ipinaglaban ‘yung mga tao nila, lahat kami.

“So, that time, that was really challenging lalo na rin sa akin kasi what’s next (sabay lingon kay Sir Carlo).

“Hindi rin namin alam kasi what’s gonna happen next? I thought na tapos na. Today, nu’ng sinabi sa akin na mangyayari talaga ‘tong araw na ‘to (renewal of contract).

“Wow! Answered prayer para akong nabunutan ng tinik na matutuloy namin ‘yung normal naming buhay kasi ito ‘yung normal para sa akin, acting, magtrabaho.

“Makapagbigay ng tulong sa mga pamilya.  Iyon talaga kaya mga sir, mga ma’am maraming salamat for still trusting and for keeping me,” emosyonal na pahayag ng aktor.

https://bandera.inquirer.net/304722/100-loyal-at-faithful-ako-sa-mga-taong-pagbibigyan-ko-ng-pagmamahal

https://bandera.inquirer.net/293578/sa-wakas-church-wedding-nina-jc-de-vera-at-rikkah-cruz-natuloy-na-the-stars-finally-aligned

https://bandera.inquirer.net/299310/alden-umamin-napakahirap-ng-mga-pinagdaanan-ko-when-i-was-young

Read more...