Barbie posibleng balikan si Diego; may plano rin kayang sumabak sa politika?

Barbie Imperial at Diego Loyzaga

Barbie Imperial at Diego Loyzaga

SIRAIN kaya ni Barbie Imperial ang kanyang paniniwala na hindi na dapat binabalikan ang ex-dyowa kapag naghiwalay at tinapos na ang relasyon?

Marami kasi ang umaasa, lalo na ang kanilang mga fans na pwede pa silang magkabalikan ni Diego Loyzaga dahil naging maayos naman ang kanilang paghihiwalay.

“Based on experience naman, wala naman akong binalikan ever na ex.  So, siguro doon na lang tayo sa experience na hindi na.

“Kasi for me ’yung time na magkasama kami, sana ’yun na ’yung time na okay lahat…na doon gagawin kung anuman ’yung ipu-prove mo.

“Parang you had your shot. So, wala na. Lord, please guide me. Sana wala na talaga. Ha-hahaha!” ang ipinagdiinan ni Barbie.


Nauna nang sinabi ng aktres na maayos ang naging break-up nila ng hunk actor at nananatili silang magkaibigan sa kabila ng paghihiwalay nila.

Ganito rin ang sinabi ni Diego nang makachika ng press sa virtual mediacon ng bago niyang pelikula under Viva Films, ang “Adarna Gang.”

“We’re good, we talk. Please let’s not get to that. We are friends and that’s what matters for now. She’s in Davao now. We are good friends. There is no bitterness on my part,” pahayag ng aktor.

Nagkaroon ng pag-asa ang mga tagasuporta ng ex-celebrity couple nang magpalitan ang dalawa ng kilig message sa social media. Anila, may posibilidad pa ring magkaayos at magkabalikan sila ng aktor.

Nag-joke kasi si Barbie kay Diego sa kanyang Instagram post kung saan humugot siya ng one-liner na, “Ako nga pala yung sinayang mo” matapos siyang tawaging “Poison Ivy” ng binata dahil sa kanyang red hair.

Samantala, nag-viral agad ang video ni Barbie para sa WIFI (Walang Iwanan sa Free Internet), ang party-list na naglalayong lutasin ang isyu tungkol sa internet connectivity (free access sa  publiko) at masolusyunan ang iba pang napapanahong isyu tulad ng paglaban sa korapsyon, red tape, consumer protection at marami pang iba.

Ito pala ang tinutukoy niyang bagong “baby.” Naniniwala ang Kapamilya actress sa mga ipinaglalaban ng WIFI dahil  siguradong mas magiging maayos at malinaw pa ang pakikipagkomunikasyon niya sa kanyang fans and supporters.

Bilang isang aktres at role model ng mga kabataang aktibo sa social media, nagpapatunay lamang na ang pagiging viral niya at ng kanyang bagong “love” na WIFI (may mahigit 1 million shares na sa Facebook) ay mabisa at mabilis na paraan upang maabot ang mas nakararaming Pinoy sa loob at labas ng bansa.

Samantala, may mga nagtatanong naman kay Barbie na nakapanood ng kanyang viral video kung may plano ba siyang pasukin din ang politika o nai-imagine ba niya ang sarili bilang public servant?

Well, yan ang susunod na itatanong natin sa dalaga kapag nakachikahan natin siya uli.

https://bandera.inquirer.net/308731/barbie-itinangging-buntis-humirit-kay-diego-ako-nga-pala-yung-sinayang-mo-ha-hahahaha

https://bandera.inquirer.net/297688/alodia-gosiengfiao-wil-dasovich-naghiwalay-na-wala-na-kame

https://bandera.inquirer.net/284415/rabiya-handa-nang-pasukin-ang-showbiz-tuloy-ang-pagtulong-sa-madlang-pipol

 

Read more...