SAN BEDA llamado vs ST. BENILDE


Mga Laro Ngayon
(The Arena)
4 p.m. San Sebastian vs Lyceum
6 p.m. St. Benilde vs
San Beda
Team Standings: San Beda (10-2); Letran (10-2); Perpetual Help (10-3); San Sebastian (7-5); JRU (5-7); Emilio Aguinaldo (5-7); St. Benilde (5-7); Lyceum (4-8); Arellano (4-9); Mapua (1-11)

PLAYOFF para sa Final Four ang nakaumang sa San Beda College sa pagharap sa host College of St. Benilde sa 89th NCAA men’s basketball tournament ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Dakong alas-6 ng hapon itinakda ang bakbakan at kakalas din ang nagdedepensang kampeon na San Beda sa kasalo sa unang puwesto na Letran kung mapag-ibayo ang  10-2 baraha.

Unang laro sa ganap na alas-4 ng hapon ay sa pagitan ng San Sebastian College at Lyceum of the Philippines University at ikawalong panalo ang maililista ng Stags kung manalo na magpapalakas pa sa kapit sa mahalagang ikaapat na puwesto.

May tatlong sunod na panalo ang tropa ni San Sebastian coach Topex Robinson at dapat na mapanatili ng kanyang bataan ang magandang kondisyon lalo pa’t tinalo sila ng Pirates sa unang pagtutuos, 55-60.

Three-game winning streak din ang ipaparada ng Red Lions ngunit di sila puwedeng magkumpiyansa dahil binigyan sila ng matinding laban ng Blazers bago isinuko ang 70-71 pagkatalo sa unang laro sa season noong Hunyo 22.

( Photo credit to INS )

Read more...