JEAN natuto na, ayaw nang pumatol sa bagets


Mas gusto pa rin ni Jean Garcia na magkadyowa ng kaedad niya o mas matanda sa kanya kesa sa mga bagets. Siyempre, mas feel ni Jean na siya ang binebeybi kesa siya pa ang mag-aalaga sa kanyang boyfriend, di ba? (Ano’ng sey mo Polo Ravales? Ha-hahaha!)

Inamin ni Jean na happy ang lovelife niya ngayon, pero ayaw na niyang magdetalye pa tungkol dito dahil non-showbiz naman ang lalaking nagpapaganda at nagpapaseksi sa kanya.

Sey pa ng TV host-actress, kung yayayain daw siya ng guy na magpakasal, hindi raw siya tatanggi. Samantala, maituturing nang expert si Jean pagdating sa love problems dahil sa dami na rin ng experiences niya.

Kaya naman siya ang napili ng GMA News TV na mag-host ng bagong talk show na tatalakay sa iba’t ibang klase ng problema sa pag-ibig – ang Love Hotline mula Lunes hanggang Biyernes, simula sa Sept. 23. 7 p.m.

Sey ni Jean, ang bagong love advice program na ito ay magsisilbing daan para maliwanagan at mabigyan ng bagong perspektibo ang bawat Pinoy tungkol sa pakikipagrelasyon.

“Love Hotline spotlights inspiring real-life love stories through a romantic short film na pagbibidahan ng mga Kapuso stars. We will give practical solutions through heart-to-heart conversations kung saan makakasama rin natin ang love expert na si Ms. Ali Gui, tapos every episode meron tayong guest na male celebrity,” sey ni Jean.

Para sa pilot week nito sa darating na Lunes, makakasama nina Jean sina Rocco Nacino, Kevin Santos at Betong Sumaya. Bukod dito, bawat episode ay may isa ring radio jock na magge-guest sa Love Hotline mula sa Barangay LS FM.

Kaya tutok na sa Love Hotline at hanapan ng sagot ang sugatan ninyong mga puso!

( Photo credit to Google )

Read more...