SUMAKABILANG-BUHAY na ang singer na si Eva Castillo na sumikat bilang number one kalaban ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa mga amateur singing contest noon.
Pumanaw si Eva nitong nagdaang Martes habang naka-confine sa Jose Reyes Memorial Medical Cemter dahil sa mga kumplikasyon ng sakit niya sa kidney.
Sa pamamagitan ng Facebook account ni Eva, ibinahagi ng kanyang mga anak ang malungkot na balita at kinumpirma ngang namaal na ang kanilang ina.
“Nais po naming ipabatid sa mga pamilya at mga kaibigan ng aming mahal na nanay eva na sya po ay sumakabilang buhay na around 2 pm nito lamang pong hapon ng March 22, 2022.
“We love you and we miss you nanay eva namin Rest in Peace pahinga kana, (crying at broken heart emojis),” ang nakasaad sa opisyal na pahayag ng pamilya ni Eva.
Base pa rin sa mga naka-post sa FB page ng yumaong singer, sumasailalim pala ito sa dialysis para sa kanyang sakit sa bato.
At nabatid din na tatlong araw lamang ang nakalipas matapos pumanaw ang kanyang asawang si Abet Castillo Recto noong Marso 19 ay siya naman ang sumunod na namaalam.
Nakaburol ang labi ni Eva sa bahay nila sa Pilapil St., Tondo, Manila.
Bumaha naman ng mensahe ng pakikiramay at pakikisimpatya sa social media mula sa mga kaibigan ni Eva para sa naulila niyang pamilya.
Nakilala si Eva sa mundo ng showbiz nang ipahanap siya si Regine matapos niya itong mabanggit sa kanyang musical-documentary na “Regine: Roots to Riches” na ipinalabas sa telebisyon noong May 24, 2009.
Mismong ang Songbird ang umamin na si Eva ang nakakatalo sa kanya sa mga amateur singing contests na sinasalihan niya noon sa iba’t ibang lugar sa Bulacan at kalapit na probinsya.
At mula nang mag-guest siya sa ilang show ni Regine sa GMA 7 ay nabigyan uli siya ng pagkakataong kumanta ngunit noong 2014 ay nalamang may tumor sa kidney kaya napilitan siyang huminto sa sa pagtatrabaho.
Sa pagkakaalam namin, hanggang sa mga huling taon ng buhay ni Eva ay talagang patuloy na nagbibigay ng tulong si Regine para sa kanyang pangangailangan.
Taong 2017 naman ay sumali siya sa “Tawag ng Tanghalan,” ng “It’s Showtime” ngunit hindi siya pinalad na manalo.
https://bandera.inquirer.net/307998/pacman-proud-na-proud-sa-pagkapanalo-ni-jimuel-sa-junior-welterweight-fight-sa-us
https://bandera.inquirer.net/298594/jeffrey-hidalgo-nagpaka-wild-na-rin-bilang-direktor-angeli-khang-tumodo-na-sa-paghuhubad
https://bandera.inquirer.net/285925/sanya-kamukha-raw-ni-rabiya-gusto-ring-maging-beauty-queen-pero