Ice emosyonal sa 14th birthday ng ‘anak’: Grabe, parang kahapon lang nu’ng wala kang tigil kumanta ng ‘Let It Go’

Ice Seguerra, Amara at Liza Dino

Ice Seguerra, Amara at Liza Dino

EMOSYONAL ang OPM icon at singer-songwriter na si Ice Seguerra sa kanyang birthday greeting para kay Amara, ang anak ng asawa niyang si Liza Dino.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, sinabi ni Ice na nalulungkot siya dahil wala siya sa selebrasyon ng 14th birthday ng dalagita.

Kahapon, March 23, ibinandera ng singer-actor ang kanyang pagmamahal kay Amara at kahit daw feeling sad siya dahil magkalayo sila ngayon sa isa’t isa ay happy pa rin siya dahil nakapiling naman nito ang kanyang biological father.


“I think this is the first time I don’t get to celebrate with you on your birthday. It sucks coz I miss you but I’m happy that you’re spending quality time with your dad,” simulang mensahe ni Ice para sa anak ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza.

In fairness, talagang parang tunay na anak na rin ang turing ng OPM hitmaker kay Amara at super proud daw siya sa dalagita dahil sa pagiging mabait na anak at responsible teenager.

“14 ka na! Grabe, ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang nu’ng wala kang tigil kumanta ng ‘Let It Go.’

“I just want to say I’m proud of who you’ve become and I’m excited to see you grow into the person you dream to be. I just want you to know na nandito lang ako, kaming mga magulang mo to support you,” patuloy pang sabi ni Ice.

Dugtong pa niya, “Keep dreaming big dreams, Amara, because I know you can make it all come true. I’m here for you, always. I love you! Happy birthday!!!”

Sa isang interview kay Ice noong bago pa lang ang relasyon nila ni Liza, inamin niyang medyo traumatic ang naging experience niya noon sa piling ng dating karelasyon na may anak din.

“Ako din mismo, may trauma sa bata. Kasi there was a point when I was younger na I had a girlfriend who had a kid na lumabas siya na ako ‘yung nandoon, so parang baby ko talaga. And then noong nag-split kami I was heartbroken, kasi feeling ko nawala ‘yung baby sa akin,” kuwento ng singer.

Malaking tulong daw talaga ang open communication sa lahat ng klase ng relasyon tulad ng sa kanila ni Liza at sa tunay na ama ni Amara na naka-base na sa Amerika.

“We talked about everything, as in our communication is very open even with Amara’s dad in the States. Kumbaga if there’s a decision to be made it’s all us who will decide.

“We make sure na walang siraan, ‘yung hindi namin sinisiraan ‘yung other party. We want her to grow up feeling na hindi ka nawalan ng family but nagkaroon ka pa ng bago, nadagdagan pa,” aniya pa.

Unang ikinasal sina Ice at Liza noong December, 2014 sa US at nagkaroon din ng isa pang wedding ceremony sa Batangas.

https://bandera.inquirer.net/285427/liza-dino-gustong-gumawa-ng-pelikula-tungkol-sa-trans-family-ano-ba-yung-pinagdaraanan-namin

https://bandera.inquirer.net/305549/sharon-niregaluhan-ng-bagong-baby-si-ice-seguerra-nakatanggap-din-ng-puppy-mula-sa-netizen

https://bandera.inquirer.net/306234/ice-seguerra-17-years-nang-lumalaban-sa-depresyon-sa-totoo-lang-minsan-nakakapagod-din

Read more...