Josef Elizalde kinarir ang pagpapapayat; bidang-bida na sa pelikula after 14 years | Bandera

Josef Elizalde kinarir ang pagpapapayat; bidang-bida na sa pelikula after 14 years

Ervin Santiago |March 24,2022
facebook
share this

Josef Elizalde kinarir ang pagpapapayat; bidang-bida na sa pelikula after 14 years

Ervin Santiago - March 24, 2022 - 07:11 AM

Josef Elizalde, Angela Morena at Rob Guinto

Josef Elizalde, Angela Morena at Rob Guinto

SA wakas, naka-jackpot din sa kanyang showbiz career ang character actor at dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Josef Elizalde.

Makalipas ang 14 na taon sa entertainment industry, nabigyan din ng lead role ang aktor sa pamamagitan ng bagong Vivamax original sex-drama na “X-Deal 2” na mula sa direksyon ni Lawrence Fajardo.

Puro supporting roles kasi ang ginagampanan ni Josef sa teleserye man o pelikula kaya naman super blessed at feeling naka-jackpot ang binata nang matanggap ang offer ng Viva Films para bumida sa “X-Deal 2”.

And take note, hindi lang isa kundi dalawa pa ang magiging leading lady niya sa kanyang launching movie na parehong game na game sa paghuhubad at pakikipag-love scene — sina Angela Morena at Rob Guinto.

Inamin ni Josef na medyo nagdalawang-isip pa siya na tanggapin ang nasabing pelikula na sequel nga sa 2011 hit film ni Direk Lawrence.

“When I was offered this project, lead role pa, siyempre, I was very thrilled, I was very honored na I was given this opportunity after 14 years of being in the industry,” pahayag ni Josef sa naganap na virtual mediacon ng “X-Deal 2” nitong nagdaang Lunes, March 21.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Josef Elizalde (@josefelizalde)


Patuloy pa niya, “Although, meron akong konting hesitation kasi kailangan kong pag-isipang mabuti if kaya ko bang gawin ito, not only because of my personal…but also ayokong mabigo si Direk Law Fajardo.

“Ayokong mabigo ang Viva na binigyan ako ng ganitong project tapos hindi ko maibibigay nang todo. But aside from that, I was really really happy and very thrilled,” lahad pa ng dating housemate sa “PBB Teen Edition Plus” noong 2008.

Samantala, kapansin-pansin din ang biglang pagganda ng katawan ngayon ni Josef with matching long hair pa. Kaya naman naitanong sa kanya kung talagang kinarir niya ang pagpapapayat para sa karakter niya sa “X-Deal 2.”

Paliwanag ng aktor, “Yung pagpapapayat ko is more of nagising na ako sa katotohanan na napakalaki ko na pala dati. Tapos nag-pandemic pa, mukha na akong balloon.

“I think it was time na rin for me to focus on my health for my health,” aniya pa.

“Yung sa hair ko, nagpahaba na ako before pero tinamad lang akong magpagupit dahil nga pandemic nga so pinahaba ko na rin.

“Mas marami ang mga tao na nagsasabing mas may character sa akin yung ganitong buhok than my short hair,” dagdag pang paliwanag ng binata.

Chika pa niya, “Suwerte lang ako na nung in-accept ko yung project, I was really into fitness na because I’m trying to pursue a fitness journey soon.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “X-Deal 2” sa Vivamax simula ngayong darating na March 25. At asahan na ang umaatikabong sex scenes at mga nakakaloka at nakakawindang eksena na siguradong ikaka-shock ng manonood.

Rob Guinto, Angela Morena, Josef Elizalde nadala nga ba sa kanilang love scenes?

2 palabang sexy star na bida sa ‘X Deal 2’ nagtulong sa paglalagay ng plaster sa kanilang ‘flower’

Iya pinatawad pa rin ni Drew kahit matindi ang kasalanan: Naka-jackpot ako sa asawa ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending